Mga Termino at Kondisyon para sa Gumagamit ng App

Pinakabagong Bersiyon: ika-1 ng Setyembre 2019

Ang mga termino at kondisyong napakapaloob sa mga Termino at Kondisyon para sa User ng App (magkakabuklod na tatawaging T&C ng App) na ito ay isang kasunduang legal na mapambuklod (Kasunduang Hinggil sa App) sa pagitan mo (“user” o “ikaw”) at (at sakaling inaakses mo ang domain na nakabase-sa-Singapore na naka-link sa App) ng Pop TV Pte. Ltd., o (sakaling ang iyong inaakses ay ang domain na nakabase-sa-Pilipinas na naka-link sa App) Pop TV (PH) Pte. Ltd., o kung sakaling hindi malinaw kung aling domain ang iyong inaakses, sa pagkakataong iyon, ang pagsang-ayon mo rito ay pakikipagkasundo kapuwa sa Pop TV Pte. Ltd. at Pop TV (PH) Pte. Ltd. ayon sa batayang magkabuklod o magkabukod (Pop TV Pte. Ltd. at Pop TV (PH) Mula ngayon, ang Pte. Ltd. ay magkabuklod at magkabukod na kikilalaning “Pop TV” o “Kompanya” o “kami” o “tayo”). Ikaw at ang Kompanya, mula sa mga sandaling ito, ay magkabukod na tatawaging “Partido” at magkabuklod na ituturing na “mga Partido”. Ang App na ito ang nangangasiwa sa paggamit mo ng online na aplikasyong batay-sa-suskripsiyon na tinatakan ng Kompanya bilang “POP TV”, kalakip ang lahat ng mga kaugnay na mga tampok at serbisyo (“App”). Dagdag pa, ang paggamit ng aming App ay natatakdaan ng aming mga Termino ng Paggamit at ng aming Patakaran sa Paglilihim (at lahat ng mga update sa mga ito) ayon sa naka-upload sa [insert webpage address] at [insert webpage address], nang ayon sa pagkakabanggit, anumang mga espesipikong termino (na maaaring itakda ayon sa aming sariling pagtataya paminsan-minsan) na maaaring aplikable sa iyo depende sa mga transaksiyong naisagawa mo sa o sa pamamagitan ng aming App o website (magkabukod at magkabuklod na tatawaging T&C ng Serbisyo), na kasama ng mga T&C ng App ay bubuo sa isang kontratang legal na mapambuklod at maipatutupad sa pagitan mo at ng aming Kompanya (“Kasunduan”). Sa pag-download, pag-install, pag-akses o paggamit ng App, dahil sa dokumentong ito, ikaw ay: (a) nagpapatotoo na nabasa mo at ganap na naunawaan ang lahat ng probisyon sa T&C na ito (at ang lahat ng iba pang T&C ng Serbisyo); (b) tinatanggap nang buong-buo ang lahat ng probisyon sa T&C ng App na ito (at lahat ng iba pang T&C ng serbisyo); at (c) sumasang-ayon na legal na magpabuklod sa lahat ng probisyon sa T&C ng App na ito (at iba pang T&C ng Serbisyo). Kung hindi ka sumasang-ayon sa alinmang probisyon sa T&C ng App na ito (at sa alinman sa mga probisyon sa ibang T&C ng Serbisyo), hindi ka dapat mag-download, mag-install, mag-akses o gumamait ng App, at sakaling naakses, na-download at/o na-install mo na ang App sa iyong kompiyuter, sa iyong kagamitang mobile, at/o tablet (magkakabuklod na tatawaging “User Device”), kailangan mong agad na tanggalin ang lahat ng aksesibilidad, mga download, at/o instalasyon sa iyong mga User Device.

  1. Rehistrasyon at Elihibilidad

    1. Ang App ay maaaring ma-download sa pamamagitan ng GoogleStore o iTunes. Gayunman, maaari mo lamang magamit ang App kapag matagumpay mong nairehistro ang sarili mo sa Kompanya bilang user. At para sa rehistrasyon, kailangan mong ibigay ang tumpak at napapanahong mga impormasyon na maaaring hingin ng Kompanya, at sumasang-ayon ka sa pagkolekta, paggamit, pag-iimbak, pagbubunyag at paglilipat ng iyong Personal na Datos ayon sa nailatag sa T&C ng App na ito, sa Patakaran sa Paglilihim na ginawang aksesible online sa [insert webpage address], at sa alinmang pormularyo ng pahintulot hinggil sa proteksiyon ng personal na datos na maaaring ibahagi sa iyo ng Kompanya paminsan-minsan. Ang T&C ng App na ito (at iba pang T&C ng Serbisyo) ay maaaring amyendahan ng Kompanya paminsan-minsan ayon sa sarili nitong pagpapasiya, at sumasang-ayon kang responsabilidad mong regular na suriin ang mga T&C ng App na ito (at iba pang T&C ng Serbisyo) upang matiyak na sumasang-ayon ka sa lahat ng mga termino at kondisyon nito, at kung sakaling hindi ka sumasang-ayon sa alinman sa mga termino at kondisyon nito, kailangan mo itong ipabatid sa Kompanya nang pasulat, at batay rito, maaaring magdesisyon ang Kompanya ayon sa sarili nitong pagtataya sa mga nararapat na susunod na hakbang, nang walang dagdag na pananagutan sa iyo kasama na ang, pero hindi limitado sa, paghihinto sa akses mo sa App kapag hindi na maaaring ihandog sa iyo ng Kompanya ang akses dahil sa pagtanggi mo sa kinakailangang paggamit ng Personal na Datos (kinakailangan para gumana nang maayos ang App). Ang “Personal na Datos” ay tumutukoy sa impormasyon, totoo man o hindi, na maaaring gamitin nang nakabukod o kakawing ng iba pang magagamit o aksesibleng impormasyon upang matukoy ang pagkakakilanlan ng isang indibidwal.
    2. Natutukoy ang iyong pagkakakilanlan ayon sa impormasyong ibinahagi mo sa pagpaparehistro ng account para makagamit ng App, at sa gayon, ang iyong account (para sa pag-akses at paggamit ng App) ay hindi maaaring mailipat sa anumang ikatlong partido. Ang bawat user ng App ay maaari lamang gumamit ng App sa pamamagitan ang kaniyang sariling account bagaman ang isang user na may binayarang suskripsiyon ay maaaring magkaroon ng maraming account, kung ipinahihintulot ng subscription plan ng user. Sa pagkakataong marami kang user account, bawat user ng ganoong user account ay ituturing bilang “Awtorisadong User” na kailangang empleyado ng iyong kompanya/negosyo, at/o isang indibidwal na tumatayong legal mong tagapag-alaga o indibidwal kung kanino ka may ganap kang responsabilidad (eg., sa anak mo, alaga, o legal na asawa), at bawat isa sa mga Awtorisadong User na iyon ay kailangang sumang-ayon na ganap na magpasaklaw sa lahat ng probisyong nakapaloob sa Kasunduang ito bago siya pahintulutang maakses ang App. Sa gayon, sumasang-ayon kang nakabuklod at nakabukod kang mananagot sa lahat ng akto at omisyong isinagawa sa iyong account na pangmaramihang user at para sa lahat ng akto at omisyon ng bawat isa sa iyong mga Awtorisadong User.
    3. Ang paggamit ng App ay hindi lamang natatakdaan ng mga termino at kondisyong nakasaad sa Kasunduan (kasama nang walang limitasyon ang mga T&C ng App na ito), kundi ng mga kaukulang termino ng paggamit para sa lahat ng mga plataporma, website, iTunes, Google Store ang anupamang mga site (magkakabuklod na tatawaging “Site ng Bidyo”) kung saan ang mismong App, at/o mga bidyo at media content roon (ang mga ikatlong partidong termino at kondisyong ito ay magkakabuklod na tatawaging TOU ng Site ng Bidyo”) ay maaaring ma-download sa iyong User Device o i-stream sa pamamagitan ng App na na-install mo sa iyong User Device. Sa gayon, sumsasang-ayon kang sa pagkakataong nilabag mo o ng sinuman sa iyong mga Awtorisadong User ang alinmang termino at kondisyon ng Kasunduan (kasama nang walang limitasyon ang mga T&C ng App na ito), at/o ang mga aplikableng termino ng TOU ng Site ng Bidyo, may karapatan ang Kompanya na agarang suspendihin ang lahat ng akses sa App at sa mga Site ng Bidyo, hanggang sa maremedyuhan mo ang ganoong paglabag (kung mareremedyuhan ang paglabag) sa loob ng deadline na maaaring itakda ng Kompanya, at sa pagkabigong gawin iyon, magkakaroon ng karapatan ang Kompanya na agarang wakasan ang lahat ng iyong user account. Ang lahat ng suspensiyon ng iyong account ay hindi magkakabisa sa anumang paraan sa iyong panahon ng binayarang suskripsiyon o sa panahon ng bisa ng binili mong kredito, at gayundin, ang terminasyon ng iyong account alinsunod sa Talata 1.3 na ito ay nagbibigay sa iyo ng karapatang makatanggap ng anumang pagsasauli ng bayad.
    4. Ikaw ay ganap na responsible sa seguridad ng iyong sariling account at sa akses sa App kasama na ang, pero hindi limitado sa, pagtitiyak na ang iyong login ID at password ay mahigpit na kumpidensiyal.
    5. Dahil kailangan ang iyong Personal na Datos sa pagrehisro ng account at pag-akses sa App at upang gumana nang maayos ang App, sakaling magbago ang iyong Personal na Datos, o nagbago ang Personal na Datos ng sinuman sa iyong mga Awtorisadong User, sumasang-ayon ka na gagawin mo ang pag-update ng mga pagbabagong iyon gamit ang iyong user account o magpapadala ka ng email sa Kompanya (o sa pamamagitan ng iba pang pamamaraan ng notipikasyon na maaaring ipabatid sa iyo ng Kompanya paminsan-minsan), at/o atasan ang iyong mga mga Awtorisadong User na gawin din ang ganoon. Kung mababalitaan mong may anumang ikatlong partidong nakakaalam sa iyong (o sa alinman sa iyong Awtorisadong User) impormasyon sa pag-akses ng account, kailangan mong ipabatid ito sa Kompanya sa pamamagitan ng telepono gamit ang numerong +65 6592 0577 at padalhan din ng liham ang Kompanya gamit ang info@poptv.sg upang masawata ang patuloy na di-awtorisadong akses.
  2. Deskripsiyon at mga Natatanging Tampok ng App

    1. Layunin ng App na ihandog sa iyo, ang user, ang mas madaling paraan ng pagsipat sa mga bidyo at media content na iyong natipuhan (gaya ng pelikula, animasyon, drama, at mga dokumentaryo) habang bumibiyahe ka o maginhawa kang nakakanlong sa iyong tahanan. Pangunahing nabibigyang-daan ng App ang madaloy na pag-download ng midya sa lawak ng hybrid network na binubuo ng pag-aari ng Kompanyang PopTV Cloud, pribadong wifi-network (na may tatak na “PopSpots”), network na Peer to Peer (na tinatakang “PopStars, na ang media content ay hahalawin sa mga Site ng Bidyo sa umpisa.) Upang maiwaksi ang anumang alinlangan, ang PopTV Cloud, PopSpots, at PopStars ay mga tampok na kaugnay ng App. Magagawa mong mag-download ng mga bidyo/media content sa pamamagitan ng App patungo sa iyong User Device mula sa mga website, plataporma, iTunes at GoogleStore (“Site ng Bidyo”) na naglalaman ng mga bidyo at media content na handog ng Kompanya para magamit na kakawing ng App. Maaari ka ring makapag-download ng mga bidyo, media content, at mga file na mula sa iba pang user ng App sa ilalim ng tampok na Popstars o sa pamamagitan ng PopSpots. Sa gayon, sumasang-ayon kang tanging ang Kompanya ang may karapatang magpasiya sa pagtukoy kung aling Site na Bidyo ang maaaring gamiting kakawing ng App, sa mga kaukulang singil, at sa gayon, may ganap na karapatan ang Kompanya na magdagdag o magbawas ng link ng Site ng Bidyo sa App nito at gayundin ng anumang mga bidyo sa mga ganoong Site ng Bidyo sa anumang panahon nang walang pabatid o pananagutan sa iyo.
    2. Ang mga tampok na maihahandog sa iyo sa pamamagitan ng App ay nakabatay sa kategorya ng planong pansuskripsiyon na nilahukan mo at/o sa mga kreditong iyong binili.
    3. Ang patuloy mong pag-akses sa at paggamit ng App ay nakasalalay sa pagbabayad mo ng lahat ng kinakailangang bayad sa suskripsiyon, halaga ng binili, at sa kung tumatalima ka sa mga kaukulang termino at kondisyon, kasama na ang mga probisyon ng Kasunduang ito, ang Patakaran sa Paglilihim, at ang TOU ng mga Site ng Bidyo. Nauunawaan mo at sumasang-ayon kang ang App ay hindi maaaring gamitin para sa mga bidyong hindi inihahandog sa Site ng Bidyo o sa pamamagitan ng PopStars o ng iba pang user ng App dahil ang lahat ng media content na maaaring ma-download mo mula sa Site ng Bidyo ay natatakdaan mga lisensiyang nakuha ng aming Kompanya mula sa mga may-ari ng lisensiya.
    4. Maaaring paminsan-minsan, ang Kompanya, ayon sa sarili nitong pagpapasiya, ay maghanaodg at mag-install ng mga update na nagpapakilala ng mga bagong tampok, nagpapaangat ng episyensiya, kaligtasan, at pagkamaaasahan ng App, mga patch, ekstensiyon, pagpapahusay, pagsasaayos ng mga bulilyaso sa App o mga bahagi nito, at mga update at pagpapahusay sa mga nauna nang naka-install na bersiyon ng App (kasama na ang mga lubusang bagong bersiyon) (magkakabuklod na tatawaging “Mga Update sa App”). Ang paggamit mo sa anumang mga Update sa App ay masasaklaw ng Kasunduang ito maliban na lamang kung inaatasan kang sumang-ayon sa mga bago at karagdagang mga termino o sa isang binagong bersiyon ng Kasunduang ito sa panahon ng pag-akses mo sa mga Update ng App.
    5. Kung sakaling ang App, o ang Kompanya sa pamamagitan ng App o anumang Site ng Bidyo, ay maghahain sa iyo ng ilang rekomendasyon (kasama na ang, pero hindi limitado sa rekomendasyon para i-upgrade ang iyong subscription plan, bumili ng software na ikatlong partido, o mag-akses ng bagong Site ng Bidyo na handog ng Kompanya, atbp.), ang pagpapasiya na sumalalay sa o isakatuparan ang mga ganoong rekomendasyon, sa kahuli-hulihan, ay ayon pa rin sa iyong sariling pagpapasiya. Walang isinasabalikat na anumang uri ng responsabilidad o pananagutan ang Kompanya na may kinalaman sa anumang kalalabasan o pagkaluging matatamo na kaugnay ng pagsandig mo sa ganoong mga rekomendasyon.
    6. Lahat ng impormasyon, mga bidyo, datos, at file na iyong na-download sa iyong User Device o na-stream sa pamamagitan ng iyong User Device o naitabi/naiimbak sa iyong User Device ay iyong responsabilidad, at sa gayon, sumasang-ayon kang hindi mo papanagutin sa anumang paraan ang Kompanya para sa anumang kalalabasan o mga kawalang iyong matatamo kasama na ang, pero hindi limitado sa pagkawala ng datos, paghahabla ng ikatlong partido nang dahil sa paglabag, paninirang-puri, mga virus o worm na nakakakawing sa iyong User Device, atbp.
    7. Ginagawang posible ng PopStars ang awtomatikong pag-download ng mga user ng iba’t ibang bidyo/media content sa User Device ng mga iba pang user ng App. Kung hindi mo gustong mangyari ang mga ganoong pag-download ng o paglilipat ng file sa iba pang user ng App, kailangan mong paganahin ang sharing function sa ilalim ng “settings” ng App na “manual”. Pagkaraan, sa bawat pagkakataong nais ng ibang user ng App na mag-download ng media content mula sa iyong User Device, hihingin muna ang iyong pahintulot bago mangyari ang pagda-download.
  3. Karapatan sa Lisensiya; Mga Obligasyon at Restriksiyon

    1. Nakasalalay sa pagtalima mo sa lahat ng mga termino at kondisyon ng Kasunduan, hanggang sa buong pag-iral ng Kasunduang Hinggil sa App na ito, iginagawad sa iyo ng Kompanya ang isang di-eksklusibo, nababawi (ayon sa sariling pagpapasiya ng Kompanya), di-maililipat, di-muling-mapalilisensiyahang karapatan na mag-download patungo sa iyong User Device, mag-akses at gumamit ng App, mag-download at mag-stream ng media content mula sa mga Site ng Bidyo sa pamamagitan ng App, at pahintulutan ang iyong mga Awtorisadong User na gawin din ang ganoon, kung saan ang lahat ng nabanggit na aktibidad ay para lang sa iyong eksklusibong personal na paggamit at kawilihan, at hindi para sa pagbabahagi, pagpapahiram, komersiyalisasyon, layuning pangnegosyo, muling-pagbebenta, paglalathala, sirkulasyon, muling-pagpapaupa, muling-pagpapamudmod, may kaugnay man o walang singil o pabuya.
    2. Para maiwaksi ang anumang alinlangan, ang App at ang lahat ng na-download/na-stream na media content ay lisensiyado, at hindi ibinenta, sa iyo. Maliban kung hayagang ipinagkaloob ng Kasunduang Hinggil sa App na ito, o hindi naman kaya, ng Kompanya nang nakasulat, wala kang natamong karapatan, titulo, o lisensiya sa App o sa alinmang datos, software, nilalaman, aplikasyon o mga materyal na naakses mula sa, o nakapaloob sa o kalakip ng App, o ng anumang media content, bidyo, file, datos o iba pang impormasyong na-download (tuwiran man o di-tuwiran sa pamamagitan ng PopStars) mula sa mga Site ng Bidyo. Pinanghahawakan at pinananatili ng Kompanyang ang buong karapatan, titulo, interes at mga lisensiya sa at sa App at sa mga Site ng Bidyo at ang kani-kanilang nilalaman gayundin ang lahat ng kopya at deribasyon sa mga ito (kasama na ang mga media content na ibinahagi sa pamamagitan ng PopStars), kasama na ang lahat ng karapatang-ari, interface, layout, marka-komersiyal, marka-serbisyo, islogan, patente, lihim sa pangangalakal, algoritmo, karapatan sa disenyo, at iba pang karapatan sa intelektuwal na pag-aari nito o kaugnay rito, maging ang mga ganoong karapatan sa intelektuwal na pag-aari ay maiparerehistro, naiparehistro, o di-nairehistro sa ilalim ng alinmang rehimen ng intelektuwal na pag-aari sa anumang hurisdiksiyon. Sa gayon, pinanghahawakan ng Kompanya ang karapatang bawiin anumang sandali (ayon sa sarili nitong pagpapasiya) ang nabanggit na paglisensiya sa iyo na may kaugnayan sa App, sa anumang media content at iba pang lisensiyado sa iyo, limitahan o suspendihin ang ibinabahaging serbisyo o tampok ng App o ng mga Site ng Bidyo, maging sa pagsasagawa ng mga gawain sa pagmamantene, update, at karagdagang mga development, o iba pa.
    3. Hindi mo maaaring gawin, o kailangan mong tiyaking ang iyong mga Awtorisadong User ay hindi gagawin, tuwiran man o di-tuwiran, ang pagtulong sa anumang ikatlong partido na: (a) kopyahin ang App, maliban na lamang kung hayagang pinahihintulutan ng Kasunduang Hinggil sa App na ito at hanggang sa kakailanganin upang makagamit (limitado sa pag-download, pag-install, at operasyon) ng App sa iyong User Device; (b) baguhin, isalin, paghalawan o lumikha ng mga deribatibong gawa o pagpapahusay, kapate-patente man o hindi, ng App; (c) i-reverse engineer, kalasin, paghanguan ng kodigo, basahin ang kodigo, o di kaya’y tangkaing katasin mula rito o maakses ang source code o anumang bahagi nito; (d) tanggalin, burahin, baguhin o takpan ang anumang mga marka-komersiyal o anumang mga pabatid na hinggil sa karapatang-ari, marka-komersiyal, patente o iba pang intelektuwal na pag-aari, o mga karapatan sa pag-aari, na mula sa App, sa aming website, sa anumang nilalaman ng mga Site ng Bidyo, o anumang media content kasama na ang anumang kopya niyon; (e) muling-likhain, ipakalat o di kaya’y ipamahagi sa anumang mga ikatlong partido (maliban sa ibang subscriber ng App sa PopStars) ang anumang nilalaman ng mga Site ng Bidyo (nakaimbak man sa App o sa iyong User Device) kasama na ang, pero hindi limitado sa mga bidyo, file ng midya, teksto, larawan, graphics, retrato, musika, tunog at iba pang mga materyal sa mga elektroniko at nakaimprentang lathalain na may kaugnayan sa mga Site ng Bidyo at/o sa App (f) parentahan, paupahan, ipahiram, ibenta, muling-palisensiyahan, itakda, ipakalat, ilipat o di kaya’y ipamahagi ang App, ang anumang tampok o gamit ng App, anumang media content o datos mula sa mga Site ng Bidyo sa anumang ikatlong partido sa anumang dahilan (maliban sa iba pang subscriber ng App sa PopStars) kasama na ang paglalagay sa isang network ng App o na-download na media content kung saan maaaring maakses ang mga ito ng higit sa isang kagamitan sa anumang panahon (hindi bilang bahagi ng kasunduan sa ilalim ng tampok ng PopStar); (g) gamitin ang anumang bahagi ng App para makapagpasa ng anumang nilalaman, datos, o impormasyong labag-sa-batas, mapanirang puri, sedisyoso, nakakasakit sa paniniwalang panrelihiyon, iligal, o nanghihimasok sa karapatan ng iba sa paglilihim o karapatan sa publisidad; (h) labagin ang anumang karapatan sa intelektuwal na pag-aari habang ginagamit ang App o mga Site ng Bidyo o ang kanilang media content (o anumang bahagi nito); (i) pakialaman o guluhin ang anumang tampok, aplikasyon, o software sa o may kaugnayan sa App o mga Site ng Bidyo; (j) gamitin ang App o alinman sa mga Site ng Bidyo o ang kanilang media content sa pangangasiwa ng isang service bureau, outsourcing o serbisyong time-sharing; (k) lusutan o ibunyag ang user authentication, o ang seguridad ng App o anupamang host, network, o account na kaugnay nito; (l) iakses o gamitin ang App upang bumuo ng makakakompetensiyang produkto o serbisyo o pagkopya sa mga tampok nito o sa interface ng user; (m) pahintulutan ang pag-akses ng isang ikatlong partido (lalo na ang tuwirang kakompetensiya ng aming Kompanya) sa App sa iyong User Device; at/o (n) gumamit ng ikatlong partidong software, mga aplikasyon, di-awtorisadong media content, media content na hindi mula sa mga Site ng Bidyo, o iba pang component na kakawing ng App, nang walang naunang nakasulat na pagsang-ayon ang Kompanya.
    4. LAHAT NG MGA MEDIA CONTENT NA IPINAMAMAHAGI SA MGA SITE NG BIDYO AY NATATAKDAAN NG MGA LISENSIYANG IPINAGKAKALOOB NG MGA TAGAGAWAD NG LISENSIYA SA KOMPANYA TANGING PARA SA PANONONOOD NG MGA SUBSCRIBER NITO AT ANG MGA LEHITIMO/AWTORISADONG USER NG APP (SA PAMAMAGITAN NG APP). SA GAYON, LAHAT NG KARAPATAN SA INTELEKTUWAL NA PAG-AARI AT MGA KARAPATAN SA PAGMAMAY-ARI SA AT NG GANOONG MGA MGA MEDIA CONTENT AY PAG-AARI LAMANG NG KANI-KANILANG TAGAGAWAD NG LISENSIYA, AT NANGANGAKO KANG HINDI LALABAGIN SA ANUMANG PARAAN ANG MGA LISENSIYA NA IPINAGKALOOB NG TAGAGAWAD NG LISENSIYA SA KOMPANYA SA PAMAMAGITAN NG PAGGAMIT, PAGPAPAKALAT, PAGKOKOPYA AT/O PAGBABAHAGI (MALIBAN SA MAAARING IPAHINTULOT NG KASUNDUANG ITO GAYA NG SA PAMAMAGITAN NG TAMPOK NA POPSTAR), PAGPAPAUPA, PAGPAPARENTA, PAGBABAGO, PAGSASALIN, O PAGLIKHA NG MGA DERIBASYON NG MGA NASABING MEDIA CONTENT.
    5. Karugtong ng Talata 3.4 sa itaas, limitado sa mga espesipikong hurisdiksiyon ang mga nabanggit sa itaas na lisensiya sa nilalaman. Sa gayon, nangangako kang hindi gagamitin, kokopyahin, iiimbak, iaakses, o ibabahagi (kahit sa pamamagitan ng tampok na PopStar) ang media content sa labas ng ipinahihintulot nitong hurisdiksiyon. Sa pagkakataong binalewala mo ang notipikasyon sa mga hurisdiksiyonal na restriksiyon na kaugnay ng bawat bidyo/midya, na humantong sa sakdal na may kinalaman sa paglabag sa karapatang-ari mula sa tagagawad ng lisensiya ng nasabing bidyo/media content o ng iba pang ikatlong partido, sumasang-ayon kang idedeklarang ganap na walang sala, walang pananagutan, at ipagtatanggol ang Kompanya laban sa anumang mga bayarin, pagkalugi, multa, pena, royalty, singil sa lisensiya, bayad-pinsala at mga gugol (kasama na ang mga bayaring legal ayon sa ugnayang kliyente-abogado ng estado).
    6. Nauunawaan mong ang App at mga Site ng Bidyo ay maaaring maglaman ng mga reference link o hyperlink (kasama na ang mga naka-embed na mga widget at iba pang paraan ng pag-akses) sa panlabas na ikatlong partidong website o sa mga App store na hindi kontrolado sa anumang paraan ng o kaanib ng aming Kompanya (magkakabuklod na tatawaging “Mga Site na Ikatlong Partido”) para mas maging kaaya-aya sa gumamit ang App, gayunman, hindi responsible ang Kompanya sa nilalaman ng mga ganoong Site na Ikatlong Partido, at sumasang-ayon kang iaakses mo ang mga ganoong Site na Ikatlong Partido at sasangguni ka sa mga ganoong nilalamang ikatlong partido roon nang ayon sa sarili mong pagtataya ng panganib. Kinikilala mo rin at sumasang-ayon kang maaaring ang mga Site na Ikatlong Partido ay may ibang patakaran sa paglilihim, termino at kondisyon, at/o patnubay sa mga user at mga pamamaraan sa pagpapatakbo ng negosyo kumpara sa aming Kompanya, at ang paggamit ng mga mga Site na Ikatlong Partidong iyon, sa gayon, ay natatakadaan ng mga kaukulang patakaran sa paglilihim ng Site na Ikatlong Partido, mga termino at kondisyon at/o patnubay ng user. Sa gayon, kapag nag-akses ka ng mga ganoong Site na Ikatlong Partido ikaw ang bukodtangi at ganap responsible sa pagtalima sa anuman at lahat ng mga termino at kondisyon, sa patnubay ng user at sa patakaran sa paglilihim ng ganoong Site na Ikatlong Partido. Inihahandog ng aming Kompanya ang mga link sa iyo bilang pampadali sa paggamit, at hindi kami gumagawa ng patitiyak o ng representasyon, o umaako ng responsabilidad para sa mga ganoong Site na Ikatlong Partido, kasama nang walang limitasyon, ang pagkatotoo, katumpakan, kalidad, o pagiging kompleto ng nilalaman, serbisyo, ihinayag na mga link at/o iba pang mga aktibidad na isinagawa sa o sa pamamagitan ng mga Site na Ikatlong Partidong iyon. Hangga’t hindi hayagang ipinahahayag sa aming website ng Kompanya o App, ang mga link sa mga Site na Ikatlong Partido ay hindi maituturing na o ipakahulugan bilang pag-endorso ng aming Kompanya sa Site na Ikatlong Partidong iyon o anumang produkto o serbisyong iniaaalok sa pamamagitan niyon.
    7. SUMASANG-AYON KANG ANG AMING KOMPANYA AY HINDI, SA ANUMANG PAGKAKATAON, RESPONSABLE O MAGKAKAROON NG PANANAGUTAN, TUWIRAN MAN O DI-TUWIRAN, PARA SA ANUMANG MGA PRODUKTO, SERBISYO, IMPORMASYON, DATOS, BIDYO, FILE, LATHALAIN, REKURSO, APLIKASYON, FUNCTION, AT/O NILALAMANG MATATAGPUAN SA O MAKUKUHA SA PAMAMAGITAN NG MGA SITE NA IKATLONG PARTIDO AT/O KOMUNIKASYON AT/O PAKIKIPAGKASUNDO SA MGA IKATLONG PARTIDONG ITO, O PARA SA ANUMANG PERWISYONG NARANASAN MO KAUGNAY NG MGA ITO, O PARA SA ANUMANG PINASALA O KAWALAN NA DULOT NG O KAUGNAY NG PAGGAMIT MO O PAGSANDIG MO SA ANUMANG BAHAGI NG ANUMANG SITE NA IKATLONG PARTIDO KASAMA NA ANG, PERO HINDI LIMITADO SA NILALAMAN NG SITE NA IKATLONG PARTIDO O MGA PAMAMARAAN SA PAMAMALAKAD NG NEGOSYO (NAKAKAWING MAN O HINDI ANG MGA SERBISYONG IKATLONG PARTIDONG O WEBSITE NA IYON SA WEBSITE NG KOMPANYA, APP, O IBA PANG PLATAPORMANG PINANGANGASIWAAN NG KOMPANYA).
    8. Kung bilang bahagi ng suskripsiyon sa App, binigyan ka ng akses sa isang libre o panubok na bersiyon ng isang tampok, isang aplikasyon o software na kaugnay ng App o ilang file ng bidyo sa ilang Site ng Bidyo (“Libreng App”), sumasang-ayon ka at kinikilala mong walang obligasyon ang Kompanya na maghandog ng anumang nibel ng serbisyo o serbisyong pansuporta na may kaugnayan sa Libreng App, at maaaring anumang oras ay itigil ng Kompanya, ayon sa sarili nitong pagpapasiya, ang paghahandog ng akses sa Libreng App na iyo nang walang naunang pabatid o legal na paliwanag sa iyo. May karapatan din ang Kompanya na magpataw ng singil sa ganoong Libreng App anumang oras, at kapag hindi ka sumang-ayon sa mga singil na iyon pagkatapos na maipabatid sa iyo ang mga iyon, hindi ka na pahihintulutang makaakses pa sa Libreng App. Ang Talata 3.8 ang papalit sa anumang terminong may kontradiksiyon sa Kasunduang Hinggil sa App na ito.
    9. Sumasang-ayon kang ang iyong suskripsiyon sa App ay hindi nakasalalay sa paghahandog ng anumang funsiyonalidad o tampok na paparating pa lang at hindi rin ito nakasalig sa anumang pabigkas o nakasulat na representasyong ginawa ng isang tauhan o ahente ng Kompanya, kasama na ang mga tunguhin, bisyon, o planong kaugnay ng mga funsiyonalidad o tampok na paparating pa lang.
    10. Maaaring may mga limitasyon sa storage o restriksiyon sa bilis ng pagda-download na kaugnay ng isang partikular na tampok na nakapaloob sa App. Ang mga storage o limitasyon sa bilis ng pagda-download na ito ay inilalarawan sa paglalarawan ng mga serbisyo sa website ng Kompanya, sa iyong account, sa panahon ng pagpapatala mo sa isang account o pag-subscribe sa isang plan o paggamit ng App, o sa anumang notipikasyong para sa iyo na mula sa Kompanyang na kaugnay ng iyong suskripsiyon o account. Sa panahong mangangailangan ka ng karagdagang kapasidad sa storage o bilis sa pagda-download, panghahawakan ng Kompanya ang karapatang maningil ng bayad para sa karagdagang storage capacity o kakayahan sa pagda-download sa halagang maaaring ipabatid sa iyo ng Kompanya sa panulat, mga email, notisya sa iyong account, o mga notipikasyong in-App. Pinanghahawakan din ng Kompanya ang karapatang baguhin ang anumang kapasidad sa storage o bilis sa pagda-download para sa anumang tampok sa App ayon sa sarili nitong pagpapasiya, pero ipaaalam sa iyo bago pa man kung ang modipikasyong iyon ay makasasagabal sa epektibo mong paggamit ng tampok na iyon sa App kung saan ka nag-subscribe at binayaran mo.
    11. Upang mapaghusay ang App, maaaring hilingin ng Kompanya ang feedback (kasama na ang paglahok sa mga sarbey) na mula sa iyo na may kinalaman sa App, sa mga katangian nito, lathalain, mga Site ng Bidyo, media content sa mga Site ng Bidyo, at/o ang mga nibel ng serbisyo ng aming Kompanya. Sumasang-ayon kang lalahok sa lahat ng mga kahilingan para sa feedback na iyon mula sa Kompanya, at na ang lahat ng feedback ay magiging pag-aari ng Kompanya (kasama na ang lahat ng kalakip na karapatan sa intelektuwal na pag-aari gaya ng karapatang-ari), at malaya ang kompanya sa kung anumang paraan gagamitin ang feedback na iyon na mula sa iyo (kasama na ang, pero hindi limitado sa, paggamit ng iyong feedback para mapaghusay pa ang anumang teknikal na katangian ng App, pag-upload ng iyong feedback sa website ng Kompanya, mga Site ng Bidyo, mga site ng blog, o iba pang mga accounts sa mga platapormang pang-social media ng Kompanya) ang walang abiso o pagbanggit o bayad sa iyo.
  4. Ang Iyong Datos

    1. Ipinagkakaloob mo rito sa Kompanya ang isang di-eksklusibo, pandaigdigan, walang royalty na karapatan na kolektahin, gamitin, kopyahin, ingatan, ipadala, baguhin, iproseso at lumikha ng mga deribatibong gawa mula sa iyong Datos ng Kliyente (na binubuo ng iyong Personal na Datos at iba pang datos na iyong ibinigay sa o naaakses ng Kompanya na may kinalaman sa iyong user account, sa paggamit ng App at mga Site ng Bidyo), sa bawat pagkakataon hanggang sa kinakailangan lamang ng Kompanya upang maihandog sa iyo ang App at ang lahat ng tampok at serbisyo nito at sa iyong mga Awtorisadong User (kasama nang walang limitasyon ang paghahanda ng mga panigurong kopya nalilikha sa pamamagitan App na batay sa Datos ng Kliyente), at ayon sa maaaring ilatag dito para magampanan ng Kompanya ang mga obligasyon nito sa ilalim nitong Kasunduang Hinggil sa App. Sumasang-ayon ka ring ang Kompanya ay pinahihintulutang maakses ang iyong account at ang account ng iyong mga Awtorisadong User para sa layuning pagtatasa, pagtugon sa at paghahandog ng suporta bata sa iyong kahilingan para sa suporta.
    2. Sumasang-ayon ka ang maaaring suriin ng Kompanya ang impormasyong may kinalaman sa paggamit mo at ng iyong mga Awtorisadong User sa App at ang mga tampok nito para mapaghusay ang mga produkto at serbisyo ng Kompanya, para makapagbigay sa iyo ng mga ulat tungkol sa paggamit mo ng App, mga Site ng Bidyo, dalas ng pagda-download ng bidyo (mula sa mga Site ng Bidyo at peer to peer), at para bumuo ng kalipunan ng pinagsama-samang estadistika at padron ng paggamit ng mga kostumer ng Kompanya (at ang mga user ng App) sa pangkalahatan na ukol sa paggamit nila ng iba’t ibang tampok ng App.
    3. Nauunawaan mo at sumasang-ayon kang tanging ikaw ang responsible sa pagtukoy sa kaakmaan ng App sa iyong personal na mga pangangailangan, at sa paniniguro na ang paggamit mo ng App ay ayon sa mga kaukulang alituntunin, reglamento, batas at mga kombensiyon.
    4. Kinikilala mong batid mong ikaw at ang iyong mga Awtorisadong User ay magbibigay ng Personal na Datos upang maggamit ang App. Sa gayon, pinatototohanan mong ikaw at ang iyong mga Awtorisadong User ay nabasa, naunawaan, at ganap na sumasang-ayon sa mga probisyon ng aming Patakaran sa Paglilihim bago ang pag-akses sa App. Para maiwaksi ang anumang alinlangan, lahat ng probisyon ng Patakaran sa Paglilihim ay ipinagpapalagay na nakalakip sa Kasunduang Hinggil sa App na ito sa pamamagitan ng reperensiya. Sa gayon, sumasang-ayon ka at nangangakong ganap na ipagtatanggol, pangangatawanang walang pananagutan at walang sala ang Kompanya laban sa anuman at lahat ng bayad-pinsala, gugol, sakdal ng ikatlong partido, multa at aksiyon ng pagpapatupad na umusbong sa anumang paraang may kinalaman sa ipinasok na Personal na Datos sa App, o sa kung anumang paraan na ipinagkaloob sa Kompanya kasama na ang, pero hindi limitado sa, bayad sa areglo, multa at legal na kabayaran sa ugnayang abogado-ng-estado-kliyente.
    5. Nangangako at pinatotohanan mo pang nakolekta mo at pananatilihin at pangangasiwaan ang lahat ng Personal na Datos na inihayag sa Kompanya at/o input sa App at/o ang iyong user account bilang pagtalima sa lahat ng aplikableng batas sa paglilihim at proteksiyon ng datos, alituntunin at regulasyon kasama na ang, pero hindi limitado sa, Personal Data Protection Act 2012 (“PDPA”). Pinahihintulutan moa ng Kompanyang gamitin, iproseso, ingatan, panatilihin, ipadala, at ihayag ang mga nabanggit na Personal na Datos na maaaring kailaganin alinsunod sa Kasunduang Hinggil sa App na ito na isasakatuparan ng Kompanya sang-ayon sa PDPA at sa Patakaran sa Paglilihim nito. Kinukumpirma mo sa dokumentong ito na kung saan man na-input ang mga Personal na Datos ng mga taong nasa ilalim ng iyong pangangalaga o sa kung anumang paraan na naipagkaloob sa Kompanya, nakuha mo rin ang pahintulot ng mga indibidwal na iyon upang ang kanilang mga Personal na Datos ay mailipat palabas ng Singapore dahil ang ilan sa mga tagabentang ikatlong partido ng Kompanya (na kailangan ang pakikilahok upang maihandog ang App at mga Site ng Bidyo) ay matatagpuan sa labas ng Singapore. Sa gayon, sinisiguarado ng Kompanya na ang mga tagabentang ikatlong partido na kinontrata nito upang maghandog ng App at mga Site ng Bidyo ay natatakdaan ng legal o kontraktuwal na obligasyong protektahan ang Personal na Datos na kagaya ng mga mga obligasyong itinatakda sa PDPA.
    6. Sa gayon, sumasang-ayon kang ang paggamit mo ng App, mga Site ng Bidyo, at ang mga Personal na Datos na ipinagkaloob mo sa Kompanya, sa lahat ng panahon, ay alinsunod sa Patakaran sa Paglilihim ng Kompanya at sa lahat ng kaukulang batas at regulasyon kasama na ang, pero hindi limitado sa PDPA (magkakabuklod na tatawaging “Mga Batas”). Sa gayon, pinangangatawanan at ipinangangako mo sa Kompanya na nagawa mong: (a) makakuha ng lahat ng mga kailangang karapatan, pagbibitiw sa karapatan, at mga pahintulot para ipagkaloob ang Datos ng Kliyente sa Kompanya at sa App; (b) makuha ang lahat ng mga karapatan, pagbitiw sa karapatan, at mga pahintulot na maigawad sa Kompanya ang lisensiya gaya ng nailatag sa mga Talata 4.1 ang 4.2 sa itaas; (c) ang iyong Datos ng Kliyente at ang paglilipat ng Datos ng Kliyenteng iyon sa Kompanya upang magamit, gaya ng binigyan mo ng pahintulot sa ilalim ng Kasunduang Hinggil sa App (kasama nang walang limitasyon ang paglilipat ng Datos ng Kliyente sa ibang bansa kung saan nakabase ang alinmang tagapaghandog ng serbisyo o server) ay hindi lumalabag ang anumang mga batas o karapatan ng iyong mga Awtorisadong ikatlong partido, kasama nang walang limitasyon ang anumang karapatan sa intelektuwal na pag-aari, karapatan sa paglilihim, karapatang moral, karapatan sa paglilimbag; at (d) anumang paggamit, pagkolekta, at paghahayag ng Datos ng Kliyenteng pinahihintulutan dito ng Kompanya ay hindi kasalungat ng mga termino ng anumang aplikableng patakaran sa paglilihim o kontratang aplikable sa iyo. Maliban sa obligasyong panseguridad ng Kompanya gaya ng inilatag sa Talata 4.7 sa ibaba, walang binabalikat na responsabilidad o pananagutan sa anumang paraang para sa Datos ng Kliyente, at bukodtanging ikaw ang responsable para sa Datos ng Kliyente at para sa lahat ng kalalabasan ng paggamit, pagbubunyag, pagpapanatili, o paglilipat ng Datos ng Kliyenteng iyon nang may kaugnayan sa iyong (at sa Awtorisadong User mo) paggamit ng App at lahat ng Site ng Bidyo.
    7. Ipinatutupad ng Kompanya ang mga pamamaraang panseguridad na katanggap-tanggap ayon sa industry-standard at mga teknolohikal na hakbang upang protektahan ang Datos ng Kliyente at ang transmisyon, at pumipili lamang mga mapagkakatiwalaang mga tagabentang ikatlong partido pagkatapos nitong maisagawa ang mabusising pagsusuri. Gayunman, dahil ang App at ang mga Site ng Bidyo ay ipinamamahagi online, nauunawaan mo at sumasang-ayon kang ang paggamit mo ng App at ng mga Site ng Bidyo ay mangangailangan ng transmisyon ng mga Datos ng Kliyente sa mga network na maaaring hindi pag-aari, pinangangasiwaan, o kontrolado ng Kompanya, at ang transmisyong iyon ay maaari ring tawid-hanggahan sa pagitan ng iba’t ibang mga bansa. Sa gayon, walang pananagutan ang Kompanya para sa anumang Datos ng Kliyenteng maaaring nawala, nabago, nasansala o naiimbak sa lawak ng saklaw ng ganoong network, at sa potensiyal na pagpapatupad ng mga banyagang batas na may kaugnayan sa pagtrato at proteksiyon ng iyong Datos ng Kliyente. Dagdag pa, hindi rin maigagarantiya ng Kompanya na ligtas-sa-kamalian ang aming mga pamamaraang panseguridad, na laging ligtas ang transmisyon ng Datos ng Kliyente, o na hindi kailanman malulusutan ng mga di-awtorisadong ikatlong partido ang mga pamamaraang panseguridad ng Kompanya o ang sa piling-piling tagapaghandog ng serbisyong ikatlong partido.
    8. Nangangako kang ganap na ipagtatanggol, ililigtas laban sa parusa at idedeklarang walang-sala, magkakabuklod o magkakabukod, ang Kompanya at ang lahat ng mga direktor, opisyal, shareholder, at ahente (magkakabuklod at magkakabukod na tatawaging “ Mga Naindemnisang Indibidwal”) mula sa at laban sa anumang pagkalugi, gugol, pananagutan o bayad-pinsala kasama na ang mga kabayarang legal ayon sa batayang kliyente-abogado-ng-estado, na ang sinuman sa mga Naindemnisang Indibidwal ay maaaring managot sa anumang paraan nang dahil sa o kaugnay ng anumang sakdal na inihain ng isang ikatlong partidong nagpaparatang na ang alinmang bahagi ng Datos ng Kliyente, at ang iyong paggamit at ang paggamit ng iyong mga Awtorisadong User ng App o media content ng mga Site ng Bidyo ay hindi alinsunod sa Kasunduang ito, nilalabag at sinsalaula ang karapatan sa intelektuwal na pag-aari ng isang ikatlong partido, o nilalabag ang mga kaukulang batas o alituntunin.
  5. Presyo at Mga Termino ng Pagbabayad

    1. Sa sandaling lumahok ka sa isang subscription plan para magamit ang App, babayaran mo online ang lahat ng mga singil na itinatakda bilang kailangang-bayaran sa iyong account, sa mga pabatid sa pagbabayad na ipinadadala sa iyo sa pamamagitan ng App, sa mga email at iba pang mga notipikasyon mula sa Kompanya na may kaugnayan sa iyong piniling subscription plan sa buong panahon ng iyong suskripsiyon, kabilang na ang lahat ng mga kasunod na paulit-ulit na mga babayaran ayon sa itinatakda sa iyong napiling subscription plan.
    2. Maliban sa mga kabayarang kinokolekta ng Kompanya online sa iyong punto ng suskripsiyon sa App at ang istandard na paulit-ulit na pagbabayad na inaawas sa iyong credit card ayon sa iyong subscription plan, at gayundin ang iba pang pagbiling online sa pamamagitan ng App o ng website ng Kompanya (kasaman nang walang limitasyon ang pagbili ng mga kredito at akses sa espesipikong media content), para sa iba pang bayad na nakatakda sa anumang paraan sa Kompanya, kailangan mong bayaran ang mga ganoong bayarin sa loob ng limang (5) araw sa kalendaryo ng petsa ng invoice sa iyo ng Kompanya. Ang lahat ng bayaring hindi nabayaran sa takdang panahon ay mag-iipon ng interes na 12% per annum o ang maximum rate na ipinahihintulot ng kaukulang batas, anuman ang mas mababa, at maaari ring ipataw ang administrative fee na US$10 para sa bawat pabatid sa pagbabayad na ipinadala sa iyo.
    3. Ang ilang file, bidyo, o ibang media content (“Bayad na Media Content”) sa mga Site ng Bidyo ay maaaring mangailangan ng karagdagang bayad o kredito na dagdag sa bayad sa suskripsiyong binayaran mo alinsunod sa Talata 5.1 bago mo maakses o ma-download ang ganoong Bayad na Media Content sa pamamagitan ng App. Sa gayon, tatakdaan kang magbayad nang buo online (sa pamamagitan ng iyong credit card, debit card, Paypal, o ibang solusyon sa pagbabayad online at mga gateway na handog ng Kompanya) ng karagdagang kabayaran para sa ganoong Bayad na Media Content bago mo maakses o ma-download ang nasabing Bayad na Media content. Lahat ng mga ganoong karagdagang kabayaran na binayaran sa Kompanya ay hindi-maisasauli ang bayad, buo man o bahagi nito, maliban na lamang kung may kamaliang teknikal sa panig ng Kompanya na humahadlang sa iyong akses o pag-download ng Bayad na Media Content, at sa ganoong pagkakataon, kailangan mong i-email ang Kompanya sa info@poptv.sg, at bigyan ang Kompanya ng palugit na limang (5) araw ng trabaho upang maayos ang isyung teknikal. Kung sakaling hindi maihahandog sa iyo ng Kompanya ang Bayad na Media Content sa loob ng limang (5) araw ng trabaho, kailangang isauli sa iyo ng Kompanya ang karagdagang bayad para sa nabanggit na Bayad na Media Content nang walang interes o iba pang kompensasyon dito, at ang pagsasauli ng bayad na iyon ang bumubuo sa bukodtangi at eksklusibo mong remedyo laban sa Kompanya sa ganitong usapin.
    4. Anumang pagkabalam o pagkabigo mong makapagbayad sa Kompanya sa loob ng mga itinakdang panahon ay magbibigay ng karapatan sa Kompanyang agarang suspendihin ang iyong (at ang sa iyong mga Awtorisadong User) akses sa App at/o mga Site ng Bidyo nang walang anumang naunang pabatid sa iyo o sa iyong mga Awtorisadong User, at mananatili ang ganoong suspensiyon hanggang sa mabayaran mo nang buo ang mga nakabimbing bayarin. Para maiwaksi ang anumang alinlangan, ang mga paulit-ulit na bayarin na nakasaad sa iyong user account, ang mga pabatid sa pagbabayad na ipinadadala sa iyo sa pamamagitan ng App, ang email o anupamang notipikasyon mula sa Kompanyang may kaugnayan sa iyong napiling planong pansuskripsiyon sa buong panahon ng iyong suskripsiyon ay mananatiling mga bayarin sa panahon ng suspensiyon, at anumang suspensiyong alinsunod sa Talata 5.4 na ito ay walang anumang karagdagang pananagutan para sa Kompanya.
    5. Sa pagkakataong ang anumang suspensiyon alinsunod sa Talata 5.4 sa itaas ay lumampas sa tatlumpung (30) araw, magkakaroon ng karapatan ang Kompanya na agarang wakasan ang Kasunduang Hinggil sa App na ito pagkatapos kang padalhan ng nakasulat na notisya. Pagkaraan, ang Talata 5.7 sa ibaba na ang paiiralin.
    6. Sa pagkakataong kakailanganin mo ng karagdagang tampok na hindi kasama sa iyong dating umiiral na planong pansuskripsiyon, kailangan mong padalhan ng nakasulat na kahilingan ang Kompanya, at ipababatid sa iyo ng Kompanya ang tungkol sa mga karagdagang singil na babayaran. Ang ganoong karagdagang singil at dagdag na tampok ay magiging bahagi ng Kasunduang Hinggil sa App na ito (na naamyendahan sa pamamagitan ng mga karagdagang singil at dagdag na mga tampok). Ang panahon ng suskripsiyon para sa mga ganoong karagdagang singil at dagdag na tampok ay magiging coterminous kasabay ng dating-umiiral na panahon ng suskripsiyon ng iyong kasalukuyang umiiral na pangunahing planong pansuskripsiyon, walang pagsasaalang-alang sa petsa ng umpisa ng ganoong dagdag na tampok, at ang lahat ng bayarin, sa gayon, ay magiging pro rata.
    7. Hangga’t hindi winawakasan alinsunod sa Talata 6.4 sa ibaba, ang lahat ng singil na itinakda bilang kailangang bayaran nang nauna sa alinmang subscription form, sa iyong user account, o sa email o notisyang suskripsiyon/rehistrasyon na ipinadala sa iyo (maging sa pamamagitan ng App o ibang paraan) na may kaugnayan sa pagpapatala mo sa isang planong pansuskripsiyon, ay kailangan nang bayaran nang nauna para sa bawat panahon ng suskripsiyon para sa buong Termino ng Suskripsiyon. Sa pagkakataon ng anumang maagang terminasyong hindi alinsunod sa Talata 6.4 sa ibaba, ang lahat ng halaga na magiging kailangang bayaran sana sa natitirang balanse ng dating umiiral na termino ng suskripsiyon ay agad na magiging takda at kailangang bayaran. Walang pagsasauli ng bayad ang isasagawa para sa mga naunang binayarang singil maliban na lamang kung ang Kasunduang Hinggil sa App na ito ay winakasan alinsunod sa Talata 6.4 sa ibaba.
    8. Ang lahat ng singil na nakatakda rito sa Kasunduang Hinggil sa App na ito (kasama nang walang limitasyon ang anumang singil na nakasaad sa iyong user account, mga notisyang in-App, mga email na ipinadala sa iyo ng Kompanya) ay eksklusibo sa buwis. Kung may anumang buwis na kailangang bayaran, ang mga halagang iyon ay kailangan mong bayaran bilang karagdagan sa mga singil na nakatakda rito. Ganap mong pananagutan ang pagbabayad ng ganoong mga Buwis na na-invoice sa iyo ng Kompanya. Kabilang nang walang limitasyon sa mga “Buwis” ang buwis sa kalakal at serbisyo, buwis sa mga binibiling kalakal, buwis sa mga angkat na produkto, buwis sa mga kalakal na galing sa ibang bansa, buwis na kinakaltas mula sa suweldo, mga royalty, at anupamang ibang kaukulang buwis sa mga transaksiyong isinaalang-alang sa ilalim ng Kasunduang Hinggil sa App na ito. Para maiwaksi ang duda, pananagutan ng Kompanya ang sarili nitong buwis sa income/corporate at lahat ng bayarin sa mga royalty/paglilisensiya na babayaran sa mga tagapagawad ng lisensiya ng media content sa mga Site ng Bidyo nito.
    9. Sa panahong kakailanganin mo ang natatanging pagkompone, suporta at/o pagmamantene mula sa Kompanya, o alinsunod sa anupamang kahilingang sinang-ayunan ng Kompanya ayon sa sarili nitong pagpapasiya, ang mga ganoong karagdagang serbisyo ay maaaring may kaakibat na karagdagang singil at kabayarang kailangang bayaran sa Kompanya, at pananagutan mong bayaran online nang buo ang mga karagdagang singil at kabayaran sa Kompanya bago ang pagsasagawa ng ganoong karagdagang serbisyo ng Kompanya.
    10. Kung sakaling balak mong gumamit ng mga software o serbisyong ikatlong partidong kakawing ng App, anumang media content mula sa mga Site ng Bidyo, o iba pang tampok ng App, o humiling ka ng karagdagang aplikasyon, tampok o software na may kaugnayan sa App na mangangailangan ng paggamit ng software na ikatlong partido, kailangan mong makakuha ng naunang nakasulat na pagsang-ayon mula sa Kompanya, at kapag pumayag ang Kompanya ayon sa sarili nitong pagpapasiyang tulungan ka sa pagkuha at/o integrasyon ng software na ikatlong partidong iyon sa iyong paggamit ng App, sumasang-ayon kang ikaw ang ganap na may pananagutan sa mga singil sa paglilisensiyang babayaran sa paggamit ng software na ikatlong partidong iyon at magpasailalim sa mga kaukulang mga termino at kondisyon ng ikatlong partido. Walang pananagutan ang Kompanya sa anumang depekto o bulilyaso sa App (o anumang mga tampok dito) na dulot ng software na ikatlong partido, at hindi mababawasan ang singil sa iyong suskripsiyon/paggamit ng App na may kaugnayan dito. May karapatan ang Kompanya na magpataw ng mga karagdagang singil para sa paghahandog sa iyo ng tulong na may kaugnayan sa pagkuha, integrasyon, at/o pagpapasadyang may kaugnayan sa nabanggit na software na ikatlong partido. Para maiwaksi ang duda, sumasang-ayon kang anumang panahon ay maaaring tanggihan ng Kompanya ang akses sa at/o paggamit ng App kung natukoy ng Kompanya ayon sa makatwiran nitong pagpapasiya na ang paggamit mo ng anumang software o serbisyong ikatlong partido ay nagdudulot ng panganib sa seguridad at kumpidensiyalidad ng App, o sa anumang datos o sa intelektuwal na pag-aari ng Kompanya o sa mga tagagawad ng lisensiya rito.
  6. Termino at Terminasyon

    1. Ang Kasunduang Hinggil sa App na ito ay mag-uumpisa sa petsa kung kailan ka nagpatala para sa isang account na gagamitin sa App, at magwawakas kapag nagampanan na ng magkabilang Partido ang lahat ng obligasyong nakasaad sa ilalim ng Kasunduang Hinggil sa App na ito.
    2. Ang inisyal mong panahon ng suskripsiyon ay ayon sa nakalahad sa iyong user account at/o sa anumang email sa pagpaparehistro o mga notisyang in-App na maaaring mong matanggap (ayon sa napili mong plano ng suskripsiyon), at ang suskripsiyon ay awtomatikong muling-mapapanibago sa parehong haba ng panahon hanggang sa wakasan mo ito sa pamamagitan ng iyong account, o ng email na ipinadala sa info@poptv.sg, at kinilala ng Kompanya ang notisya ng terminasyong iyon, nang hindi iikli sa isang (1) buwan bago ang pagtatapos ng inisyal na panahon ng suskripsiyon o sa dating umiiral na ipinagpatuloy na panahon ng muling-pagpapanibago (anuman ang aplikable). Ang bawat inisyal na panahon ng suskripsiyon at anumang panahon ng muling-pagpapanibago ay ituturing bilang “panahon ng suskripsiyon” at magkakabuklod na tatawaging “Termino ng Suskripsiyon”.
    3. Hangga’t walang materyal na paglabag ang Kompanya sa alinmang termino ng Kasunduang Hinggil sa App na ito at hanggang sa hindi nito hinayaang hindi maremedyuhan ang ganoong paglabag sa loob ng tatlumpung (30) araw mula sa pagpapadala mo ng nakasulat na notisyang nagdedetalye ng ganoong paglabag, wala kang karapatang maagang wakasan ang inisyal na panahon ng suskripsiyon o ang binagong panahon ng suskripsiyon (ang Talata 5.7 ang paiiralin sakaling maaga mong winakasan ang iyong umiiral na panahon ng suskripsiyon).
    4. Sa pagkakataong hinangad ng kompanya na wakasan ang Kasunduang Hinggil sa App na ito para sa sarili nitong kapakanan, kailangang magbigay ang Kompanya ng nakasulat na notisyang naipadala nang tatlumpung (30) araw bago pa man, at isasauli nito ang bayad sa iyo para sa mga kabayaran sa nalalabing kaukulang panahon ng suskripsiyon ayon sa batayang pro rata.
    5. Sa pagkakataong nagkaroon ka ng anumang materyal na paglabag sa Kasunduang Hinggil sa App na ito kasama ang, pero hindi limitado sa, di-pagbabayad ng mga singil na nakatakdang bayaran at nanatiling di-nababayaran sa loob ng mahigit tatlumpung (30) pagkatapos ng takdang petsa ng pagbabayad, magkakaroon ng karapatan ang Kompanya na agarang wakasan ang Kasunduang Hinggil sa App na ito pagkatapos kang mapadalhan ng nakasulat na notisya. Ang Terminasyong alinsunod sa Talata 6.5 na ito ay hindi makakaprehuwisyo sa anumang karapatan o remedyong natipon ang Kompanya bago ang petsa ng terminasyon, at ganap na may karapatan ang Kompanya na humiling ng remedyo laban sa iyo para sa lahat ng mga pagkalugi at danyos na natamo sa anumang paraan maging ito man ay sa batas, kontrata, tort, o sa ekidad. Sumasang-ayon ka ring pangangatawanang walang pananagutan ang Kompanya at babayaran mo ang Kompanya para sa lahat ng mga kabayarang legal na natamo ng Kompanya ayon sa batayang kliyente-abogado ng estado sa pagkakataong kailangang maghain ng Kompanya ng legal na hakbang laban sa iyo upang maipatupad ang karapatan nito sa ilalim ng Kasunduang Hinggil sa App na ito kasama na ang, pero hindi limitado sa, pagbibigay ng mga liham ng demanda at legal na paglilitis sa Korte.
    6. Sa kabila ng karapatang magwakas ng Kompanya gaya ng nakalatag sa Talata 6.5 sa itaas, ang Kompanya ay maaaring, ayon sa makatwiran nitong pagtukoy, agarang di-paganahin ang iyon mga kredensiyal sa log-in (at ang sa iyong mga Awtorisadong User) at/o pansamantalang suspensdihin ang akses sa App o alinmang mga Site ng Bidyo o kaputol ng mga iyon, kung at hanggang sa saklaw na aabutin ng pagbibigay-katwiran ng Kompanya na ang patuloy mong paggamit ng App o pag-akses sa anumang mga Site ng Bidyo o ng iyong (mga) Awtorisadong User at maaaring magdulot ng masama sa App at sa mga Site ng Bidyo o sa media content nito (kasama na ang seguridad ng mga sistemang ginamit upang maihandog ang App at ang mga Site ng Bidyo o ang integridad o ang karapatan sa pagmamay-ari ng anumang media content) o ibang parokyano ng Kompanya, o ang mga karapatan ng ikatlong partido. Pagkaraan, bibigyan ka ng Kompanya ng karampatang notisya.
    7. Sa terminasyon ng iyong user account, kailangan mong agarang ihinto ang anumang akses sa at ang paggamit ng App. Kung saan mo inimbak sa User Device ang anumang media content o file o datos na na-download mula sa anumang Site ng Bidyo o sa pamamagitan ng PopStars, kailangan mong burahin ang lahat ng kopya ng media content na iyon o ng file, o ng datos mula sa iyong User Device sa loob ng pitong (7) araw sa kalendaryo pagkatapos ng terminasyon ng iyong user account, at sa pagkabigo mong gawin ito, magkakaroon ng karapatan ang Kompanya na malayo o pisikal na iakses ang iyong User Device upang burahin ang ganoong media content, file o datos nang walang pananagutan o notisya sa iyo.
  7. Karapatan sa Intelektuwal na Pag-aari

    1. Ang Kompanya, o ang mga kaanib nito, o ang mga tagagawad ng lisensiya nito ang nagmamay-ari ng lahat ng karapatan, titulo, at interes sa at sa alinman at lahat ng karapatang-ari, karapatan sa marka-komersiyal, karapatan sa patente, karapatan sa database, at ibang pag-aaring intelektuwal at/o iba pang karapatan sa at sa App, sa lahat ng nilalaman (kasama ang media content) sa mga Site ng Bidyo, kaugnay na lathalain, software, algoritmo, source code, aplikasyon, interface, layout ng disenyo, tsart, ulat, graph, anumang pagpapahusay, ambag sa disenyo o mga deribatibong gawa niyon, at anumang kaalaman o mga prosesong kaugnay nito at/o inihahandog dito (magkakabuklod na tataguriang “IP ng Kompanya”). Maliban sa mga limitadong karapatan sa paggamit na hayagang ipinagkakaloob dito, ang Kasunduang Hinggil sa App na ito ay hindi naglilipat ng anumang karapatan sa pagmamay-ari o ng interes sa anumang IP ng Kompanya mula sa Kompanya patungo sa iyo o sa iyong (mga) Awtorisadong User. Lahat ng mga karapatang hindi hayagang ipinagkaloob sa iyo sa App ay nakareserba bukodtangi sa Kompanya at sa mga tagagawad ng lisensiya nito.
    2. Nangangako ka, para sa iyong kapakanan at ng sa iyong mga kahalili at nagtatakda na hindi mo igigiit sa Kompanya at sa mga kaanib nito, o sa mga tagagawad ng lisensiya nito, ang anumang karapatan, o paghahabol ng anumang karapatan sa at sa anumang IP ng Kompanya.
    3. Sa pagkakataong naghandog sa iyo ang Kompanya ng anumang (online o offline) sesyong pagsasanay o materyal o gabay na makatutulong sa iyo sa paggamit ng App, sa pag-download ng media content mula sa mga Site ng Bidyo o sa pamamagitan ng PopStars, at anumang kaugnay na software, sumasang-ayon kang mananatiling nasa Kompanya ang karapatan, titulo, at interes sa at sa anumang mga materyal, kailangang ihatid, modipikasyon, mga deribatibong gawa o pagpapahusay na kaugnay ng anumang ganoong serbisyo sa pagsasanay na handog ng Kompanya (magkakabuklod na tatawaging “Mga Materyal sa Pagsasanay”). Anumang mga Materyal sa Pagsasanay na inihandog sa iyo ay maaari lamang gamiting kaugnay ng App na matatakdaan ng parehong restriksiyon sa paggamit na para sa App.
  8. Pagwawaksi, Limitasyon ng Pananagutan, at Pagpapawalang-sala

    1. Hindi nagkakaloob ng anumang uri ng garantiya ang Kompanya o ang mga suplayer o ang mga tagagawad ng lisensiya nito, na ang App, ang lahat ng mga Site ng Bidyo o anumang media content ay hindi-mababalam, aksesible, walang-kamalian, kapano-panood ang kalidad, na maaayos ang mga depekto, na ligtas ito sa virus o iba pang mapanganib na komponent, o may kinalaman sa katumpakan, pagiging kompleto, pagkamaaasahan, pagiging kahagi-hagilap, kaakmaan, kaakmaan, di-paglabag, husay sa pagganap, operasyon o resultang makukuha nang dahil sa paggamit ng App, ng mga Site ng Bidyo, anuman sa kani-kanilang tampok, function, produkto, bidyo, o serbisyo.
    2. ANG APP, ANG MGA SITE NG BIDYO, AT ANG KANI-KANILANG MGA NILALAMAN, TAMPOK, FUNCTION, BIDYO, FILE, MEDIA CONTENT, DATOS AT SERBISYO AY IPINAMAMAHAGI NANG “KUNG ANO ANG KASALUKUYANG LAGAY” AT NANG WALANG ANUMANG URI NG MGA GARANTIYA O REPRESENTASYON (HAYAG, PAHIWATIG, ESTATUTARYO KASAMA NA ANG, PERO HINDI LIMITADO SA MGA GARANTIYA NG TITULO AT DI-PAGLABAG AT ANG MGA KALAKIP NA GARANTIYA NG PAGIGING KABENTA-BENTA AT KAANGKUPAN SA ISANG LAYUNIN, KAHIT PA NAUNA MO NANG NAIPABATID SA KOMPANYA ANG GANOONG LAYUNIN), LAHAT NG IYON AY ITINATATWA NG KOMPANYA HANGGANG SA PINAKAMALAWAK NA SAKLAW NG KAUKULANG BATAS. SUMASANG-AYON KANG ANG PAGGAMIT MO NG APP, NG MGA SITE NG BIDYO, AT ANG KANI-KANILANG NILALAMAN, TAMPOK, FUNCTION, AT SERBISYO AY AYON SA SARILI MONG PAGTATAYA NG PANGANIB.
    3. WALANG ANUMANG PAGKAKATAONG ANG KOMPANYA O ANG MGA DIREKTOR O OPISYAL O EMPLEYADO O AHENTE O MGA SUB-KONTRATISTA NITO AY MANANAGOT PARA SA ANUMANG TUWIRAN O DI-TUWIRANG DANYOS (KASAMA NANG WALANG LIMITASYON, KONSEKUWENSIYAL, ESPESYAL, DI-SADYA, DI-TUWIRAN, O KATULAD NA DANYOS, PAGKAWALA NG TUBO, PAGKAWALA NG PUBLISIDAD, PAGKAWALA NG BENEPISYO, PAGKASIRA O PAGKAWALA NG DATOS, PAGKABALAM NG OPERASYON NG NEGOSYO O IBA PANG KOMERSIYAL NA DANYOS O PAGKALUGI) NA DAHIL SA O KAUGNAY NG PAGGAMIT O PAGGANAP NG APP, NG MGA SITE NG BIDYO O ANG KANI-KANILANG MGA NILALAMAN, TAMPOK, FUNCTION, PRODUKTO, BIDYO, FILE, DATOS AT SERBISYO AT KUNG KAILAN HINDI MAIWAWAKSI ANG GANOONG MGA DANYOS, SUMASANG-AYON KANG ANG KABUUANG PANANAGUTAN SA IYO NG KOMPANYA AY HINDI LALAGPAS SA US$50, KAHIT PA NAUNA NANG MAIPABATID SA KOMPANYA ANG POSIBILIDAD NG GANOONG DANYOS NA MAY HALAGANG US$50 AY KAKATAWAN SA IYONG EKSKLUSIBO AT BUKODTANGING REMEDYO. SA GAYON, SUMASANG-AYON KANG PAGKATANGGAP MO NG KABAYARANG US$50 MULA SA KOMPANYA, BIBITIWAN MO NA ANG LAHAT NG KARAGDAGANG KARAPATAN LABAN SA KOMPANYA AT NANGANGAKONG HINDI MAGPAPAUMPISA NG ANUMANG LEGAL NA HAKBANG O PAGHAHABLA LABAN SA KOMPANYA.
    4. Sumasang-ayon ka ritong ganap mong ipagtatanggol, ipapawalang-sala, o pangangatawanang walang-panganib, sa batayang magkakabuklod at magkakabukod, ang Kompanya, ang mga direktor nito, opisyal, shareholder, tagahalili sa interes, empleyado, ahente, suplayer, at tagagawad ng lisensiya mula sa at laban sa anuman at lahat ng mga sakdal ng pananagutan ng ikatlong partido, pagkalugi, danyos at gugol, kasama nang walang limitasyon, ang makawirang kabayaran sa abogado (sa batayang kliyente at abogado-ng-estado), na umusbong mula sa o kaugnay ng paggamit mo (o ng kawalan mo ng kakayahang gumamit) ng App, ng mga Site ng Bidyo, ang kani-kanilang mga nilalaman, bidyo, datos, media content, file, produkto, tampok, function, at serbisyo, at paglabag sa anumang lisensiya o karapatan sa intelektuwal na pag-aari sa o sa anumang media content sa alinmang mga Site ng Bidyo.
  9. Kumpidensiyalidad

    1. Ang mga kumpidensiyal na impormasyon ay hindi maaaring gamitin o muling-likhain sa anumang anyo maliban na lang kung kinakailangan sa pagsasagawa ng layon at pagganap sa mga obligasyon sa Kasunduang Hinggil sa App na ito. Anumang reproduksiyon ng alinmang Kumpidensiyal na Impormasyon ng kabilang Partido ay mananatiling pag-aari ng Naghahayag na Partido at maglalaman ng anuman at lahat ng notisyang kumpidensiyal o may kinalaman sa pag-aari o mga alamat na lumabas sa orihinal. Tungkol sa Kumpidensiyal na Impormasyon ng kabila, bawat partido ay: (a) magsagawa ng lahat ng Makatwirang Hakbang (nililinaw sa ibaba) upang mahigpit na mapanatiling kumpidensiyal ang lahat ng Kumpidensiyal na impormasyon; at (b) hindi ibubunyag ang anumang Kumpidensiyal na Impormasyon ng kabila sa sinuman maliban sa mga indibidwal o kaanib na kakailanganin ang akses upang magawa nitong matamasa ang karapatan at/o magampanan ang mga obligasyon nito rito at ang mga natatakdaan ng obligasyon ng kumpidensiyalidad na kaparehong-kapareho ng mga nakalatag dito. Ayon sa pagkakagamit dito, ang ibig sabihin ng “Mga Makatwirang Hakbang” ay mga hakbang na isinasagawa ng Partidong Tagatanggap upang protektahan ang mga kagaya nitong sariling impormasyon na may kinalaman sa pag-aari at kumpidensiyal, na hindi maaaring mas mababa sa makatwirang pamantayan ng pangangalaga. Ang mga Kumpidensiyal na Impormasyon ng magkabilang Partidong naihayag bago pa man maipatupad ang Kasunduan ay matatakdaan ng mga pananggalang na ipinagkakaloob rito. Kung ang Partidong Tagatanggap ay inaatasan ng batas o ng legal na prosesong ihayag ang Kumpidensiyal na Impormasyon ng Naghahayag na Partido, kailangan nitong magbigay sa Naghahayag na Partido ng maagap na naunang notisya tungkol sa ganoong iniaatas na paghahayag (hanggang sa saklaw na ipinahihintulot ng batas) at makatwirang pag-alalay, sa gugol ng Naghahayag na Partido, kung ninanais ng Naghahayag na Partido na hamunin ang paghahayag.
    2. Ang mga restriksiyon sa itaas na may kinalaman sa paggamit at paghahayag ng Kumpidensiyal na Impormasyon ay hindi puwedeng ipatupad sa mga Kumpidensiyal na Impormasyon na: (a) mag-isang pinaghusay ng Partidong Tagatanggap nang walang pagsangguni sa Kumpidensiyal na Impormasyon ng Naghahayag na Partido, o natanggap nang naaayon-sa-batas nang walang restriksiyon mula sa isang ikatlong partidong may karapatang magkaloob ng ganoong Kumpidensiyal na Impormasyon; (b) sa pangkalahatan ay naging pangmadla nang hindi nilalabag ang Kasunduang ito ng Partidong Tagatanggap; (c) sa panahon ng paghahayag, ay batid ng Partidong Tumatanggap na walang restriksiyon; o (d) sumasang-ayon sa paraang pasulat na ang Naghahayag na Partido na iyon ay walang ganoong mga restriksiyon.
    3. Hindi mo dapat inihahayag ang mga termino at kondisyon sa Kasunduang Hinggil sa App o ang mga pagpapataw ng presyong nakapaloob rito sa anumang ikatlong partido maliban na lamang kung ipinahihintulot sa ilalim ng Talata 9.1. Pinahihintulutan kang gamitin ang pangalan at logo upang makatotohanang ipabatid na isa kang subscriber ng App, pero sa anupamang ibang paggamit ng pangalan at/o logo ng Kompanya, kailangan mong hingin ang naunang nakasulat na pahintulot ng Kompanya.
    4. Ang ibig sabihin ng “Kumpidensiyal na Impormasyon” sa Kasunduang Hinggil sa App na ito, at nang may kinalaman sa iyo, sa Datos ng Kliyente, sa iyong Personal na Datos, datos ng empleyado, impormasyong pampinansiyal, datos ng operasyon, mga plano sa pangangalakal at negosyo, at may kinalaman sa Kompanya: (i) ang App, ang mga Site ng Bidyo, ang kani-kanilang nilalaman, file ng midya, media content, anumang kalakip na lathalain, at/o iba pang materyal, kasama nang walang limitasyon, ang (a) lahat ng software ng kompiyuter (kapuwa ang object at source code) at kaugnay na mga dokumentasyon o espesipikasyon; (b) mga teknika, konsepto, pamamaraan, proseso, at disenyong nakapaloob sa o may kaugnayan sa App at sa mga Site ng Bidyo; ang (c) lahat ng mga interface ng programa ng App, seguridad ng sistema at disenyong arkitektural ng sistema na may kaugnayan sa App; at (ii) ang pananaliksik at pagpapahusay ng Kompanya, detalye (kasama ang mga presyo) ng lisensiya ng media content, mga handog na produkto, pagpapataw ng presyo at pagkakaroon ng mabibiling produkto o serbisyo. Karagdagan sa mga nabanggit, ang Kumpidensiyal na Impormasyon mo (ang Partidong naghahayag ng mga impormasyon bilang ang “Naghahayag na Partido” o ng Partidong kumukuha ng ganoong impormasyon bilang “Partidong Tagatanggap”) ay sumasaklaw sa mga impormasyong pinoprotektahan ng Naghahayag na Partido laban sa mga di-mapigilang paghahayag sa iba na (a) itinatakda ng Naghahayag na Partido at ng mga kinatawan nito bilang kumpidensiyal sa panahon ng paghahayag; o (b) makatwirang ituring na kumpidensiyal dahil sa kalikasan ng impormasyon at ang mga pangyayari sa likod ng pagbubunyag; kasama nang walang limitasyon, ang impormasyong tungkol sa o may kinalaman sa anumang ikatlong partido na inihayag sa Partidong Tagatanggap sa ilalim ng Kasunduan.
  10. Pangkalahatang Probisyon

    1. Anumang probisyon dito na kinakailangang magtagal lampas sa terminasyon ng Kasunduang Hinggil sa App na ito upang magdulot ng kaganapan sa layon nito ay kailangang tumagal nang lampas sa terminasyon ng Kasunduang Hinggil sa App na ito kabilang na ang, pero hindi limitado sa Seksiyon 4, Seksiyon 7, Seksiyon 8, Seksiyon 9, at Seksiyon 10.
    2. Layon ng mga Partido na sa pagkakataong isa o marami pang probisyong nakapaloob sa Kasunduang Hinggil sa App ay idineklarang imbalido o di-maipatutupad sa alinmang aspekto, ang ganoong pagkaimbalido o kalagayang di-maisasakatuparan ay hindi makaaapekto sa iba pang probisyon ng Kasunduang HinggiI sa App, na ipagpapalagay na parang hindi kailanman naging bahagi ng nilalaman nito ang ganoong pagkaimbalido o kalagayang di-maisasakatuparan.
    3. Kapag isinantabi ng magkabilang partido ang paglabag sa alinmang probisyon ng Kasunduang Hinggil sa App, hindi ibig sabihin nito na isinantabi na ang mga nauna o kasunod na paglabag ng pareho o anupamang probisyon mula rito.
    4. Nagkakasundo ang magkabilang panig na ang Kasunduang Hinggil sa App na ito ay natatakdaan at binibigyang-kahulugan ayon sa mga batas ng Singapore nang walang pagsangguni sa anumang teoryang salungatan-ng-batas. Sa gayon, ang magkabilang partido ay nagpapasailalim sa di-eksklusibong hurisdiksiyon ng batas ng Singapore para sa anumang mga sigalot na maaaring umusbong sa anumang paraan mula sa Kasunduang Hinggil sa App na ito.
    5. Ang lahat ng mga notisyang alinsunod sa Kasunduang Hinggil sa App na ito ay kailangang nakasulat at ituturing na naibigay nang maaagap pagkahatid nito sa adres (kasama na ang email address) na huling ibinahagi ng isang Partido sa isa pa (o batay sa huling pakikipag-uganayan ng magkabilang partido). Ang lahat ng notisyang mula sa isang Partido na nagdedetalye sa anumang paglabag sa Kasunduang Hinggil sa App na ito o naghahangad ng terminasyon ng Kasunduang Hinggil sa App na ito o ng Termino ng Suskripsiyon ay ituturing lamang na balido kapag kinumpirma ng isang Partido ang pagkatanggap sa ganoong notisya (maging sa pamamagitan ng email o pagkilala ng pagkatanggap sa tagahatid ng notisya).
    6. Anumang pagkabalam o di-pagganap sa anumang probisyon ng Kasunduang Hinggil sa App (maliban sa mga kabayaran sa mga halagang naitakda rito) na hatid ng mga kondisyong lampas sa makatwirang kontrol ng gumaganap na Partido ay hindi mangangahulugan ng paglabag sa Kasunduang Hinggil sa App, at ang panahon para sa pagganap sa ganoong probisyon, kung mayroon, ay ituturing na napalawig hanggang sa panahong katumbas ng haba ng panahong itinagal ng mga kondisyong nakasagabal sa pagganap.
    7. Hindi mo maaaring ipangako, nang walang naunang nakasulat na pahintulot ang Kompanya, itakda, italaga, o di kaya’y ilipat ang Kasunduang Hinggil sa App, o ang alinman sa iyong mga karapatan at obligasyon sa ilalim ng Kasunduang Hinggil sa App, sa anumang ikatlong partido, maging boluntaryo man o ayon sa pagpapairal ng batas, kabilang na ang sa pamamagitan ng pagbenta ng mga asset, pagsasanib ng negosyo o konsolidasyon. Gayunman, maaaring itakda ng Kompanya ang Kasunduang Hinggil sa App sa alinman sa mga kaanib nito sa anumang panahon. Sumasang-ayon ka ring maaaring ayon sa sarili nitong pagpapasiya ay i-subkontrata ng Kompanya ang paghahandog, pagmamantene, at/o pagpapahusay ng bahagi ng App at mga Site ng Bidyo sa mga ikatlong partido, gayunman, sa kondisyong, ang Kompanya ang magsasabalikat ng responsabilidad sa mga paglabag ng subkontraktor sa Kasunduang Hinggil sa App.
    8. Ang mga Partido ay independiyenteng mga kontraktor, at walang malilikhang pakikipagsosyo, sanibang sikap, ahensiya, fidusiyaryo, o ugnayang panghanapbuhay sa pagitan ng mga Partido bilang resulta ng Kasunduang Hinggil sa App na ito.
    9. Maliban sa mga tagagawad ng lisensiya ng media content na matatagpuan sa mga Site ng Bidyo, walang indibidwal o entidad na hindi partido sa Kasunduang ito ang may karapatang sumandig sa o magpatupad ng alinman sa mga probisyon ng Kasunduang Hinggil sa App na ito at bukodtanging hindi inilalahok ang mga Batas sa Kontrata (Karapatan ng mga Ikatlong Partido) sa Kasunduang ito. Kinikilala ng magkabilang partido na maliban sa mga tagapagawad ng lisensiya ng media content na ibinabahagi sa mga Site ng Bidyo at ang mga kaugnay na entidad ng Kompanya na siyang mga nilalayong benepisyaryong ikatlong partido ng Kasunduang Hinggil sa App na ito, kasama nang walang limitasyon, ang mga Awtorisadong User.