PATAKARAN SA PAGLILIHIM

Pinakabagong Bersiyon: ika-1 ng Setyembre 2019

Ang Patakaran sa Paglilihim na ito ("Patakaran sa Paglilihim") ang naglalatag ng mga termino at kondisyong nagtatakda sa POP TV at sa aming subsidiyaryong POP TV (PH) PTE. LTD. (magkakabuklod o magkakabukod na tatawaging “aming Kompanya”, ‘kami’, ‘amin’, o ‘tayo’) kung paano mangolekta ng impormasyon sa pamamagitan ng aming (mga) website (depende sa kung anong domain ang iyong binibisita) na matatagpuan sa www.poptv.sgat/o www.poptv.ph (magkakabuklod at magkakabukod na tatawaging “Website” o “Site”), sa aming subscription video demand application na kilala sa tawag na “POP TV” (kasama ang lahat ng mga patch, update, bersiyon, at baryasyon na magkakabuklod na tatawaging “App”), sa iba’t iba pang mga application, social media channel, forum, media, file ng audio at bidyo video, over-the-top na media services (“OTT”), at sa anumang serbisyo at produktong online na handog ng aming Kompanya maging solo man o kasama ang iba pang kasosyo sa negosyo (magkakabuklod na tatawaging “mga Serbisyo ng Site”). Sa gayon, ang Patakaran sa Paglilihim na ito ay makapapangyari sa sinuman (mula ngayon ay tatawaging “ikaw” o “user”) na aakses, magda-download, magbabasa, makikilahok sa, o gagamit ng aming Site, ang App (kasama ang anumang mga baryasyon, update, support patch o mga kahalili nito), anupamang mga aplikasyon, alinman sa aming mga Serbisyo sa Site at nilalaman ng Site (magkakabuklod na tatawaging “Nilalaman ng Site”), sinumang nagpapasa sa amin ng impormasyon (maging online o offline para sa rehistrasyon ng isang account o para sa kung anupamang layunin) at gayundin sa ibang tao na nakatatanggap ng aming mga update, promosyon, newsletter, EDM, materyal sa marketing, update na pampromosyon, support patch, teknikal na update, bagong labas ng bersiyon ng termino at kondisyon, mga mensahe (sa pamamagitan ng anumang tsanel), o iba pang mga email (magkakabuklod na tatawaging "mga Update"). Ang “Nilalaman ng Site” at “mga Update” ay magkakabuklod na tatawaging “Nilalaman”.

Upang mapaglingkuran ka nang mas mahusay at maihandog sa iyo ang naaakmang customer service, o produktong hinihiling o kung saan ka nag-subscribe, may mga hihingin kami sa iyong impormasyon, ang ilan sa mga iyon ay maituturing na Personal na Datos (binigyang-kahulugan sa Talata 1.2 sa ibaba). Nauunawaan namin kung gaano kahalaga ang paglilihim sa at seguridad ng iyong impormasyon, at sa gayon, inilatag namin sa ibaba ang bawat detalye ng kung paano namin kinokolekta at ginagamit ang iyong impormasyon. Mangyaring balik-suriin ang mga sumusunod na termino at kondisyon ng aming Patakaran sa Paglilihim upang makasiguro kang siniseryoso namin ang usapin ng proteksiyon sa datos.

  1. Pakatandaan ng ang pag-akses at paggamit mo sa aming Website ay natatakdaan ng Termino ng Paggamit sa aming Website (“Termino ng Paggamit”), ng termino at kondisyong inilatag dito sa Patakaran sa Paglilihim na ito, ng aming T&C ng App, ng anupamang termino ng serbisyo, mga patakaran at alituntunin (magkakabukod at magkakabuklod na tatawaging “T&C ng Serbisyo) na maaaring aplikable sa paggamit mo ng aming Website, Nilalaman ng Site, App, Update at/o mga Serbisyo ng Site na maaaring ipataw namin ayon sa sarili naming pagpapasiya paminsan-minsan – mula ngayon, ang lahat ng mga ganoong termino at kondisyon ay magkakabuklod na tatawaging “Kasunduan”. Para maiwaksi ang anumang duda, kung ginagamit mo o inaakse ang aming App, ang iyong paggamit sa aming App ay natatakdaan din ng aming User License Agreement (T&C ng App) na kailangang basahing kakawing ng mga probisyon sa Patakaran sa Paglilihim na ito. Sa gayon, sa pag-akses ng aming Website, App, o sa kung anupamang paraan mo ibinabahagi sa amin ang iyong Personal na Datos, sumasang-ayon ka sa pagkolekta namin ng iyong impormasyon alinsunod sa Patakaran sa Paglilihim na ito. Kung tumututol ka sa alinmang talata ng aming Termino ng Paggamit, sa Patakaran sa Paglilihim na ito, sa T&C ng App, at/o sa anumang iba pang T&C ng Serbisyo, mangyaring agarang ihinto ang iyong pag-akses at paggamit ng aming Website at App.
  2. Upang masulit ang paggamit sa aming Website, Nilalaman ng Site, at mga Serbisyo ng Site (kasama na ang App) tangkilikin mo ang aming mga serbisyo, produkto, media content, humingi ka ng impormasyon mula sa amin, makilahok ka sa aming mga promosyon (maging ito man ay ipinabatid sa iyo o ibinahagi online o offline, sa pamamagitan ng telepono, mga road show at iba pang mga pakulo), tanggapin mo ang aming mga materyal sa marketing, newsletter, mga suportang serbisyo, teknikal na suporta para sa anumang aplikasyon, update sa aming App, update sa naibahaging media content, o mga update na tungkol sa iba pang impormasyon at/o promosyon na may kinalaman sa aming serbisyo, produkto, mga subscription plan, at iba pang kaugnay na mga bagay (ang lahat ng ito ay bubuo sa isang bahagi ng aming “mga Update”), kailangang ibahagi sa amin ang iyong Personal na Datos (na binigyang-kahulugan sa talaga 1.2 sa ibaba), at kailangan naming ingatan at gamitin ang iyong Personal na Datos upang magampanan ang layuning kung bakit ka nakipag-ugnayan sa amin, kung bakit na-download ang aming App, kung bakit ka nag-subscribe sa aming OTT, sa aming Website, mga Update at/o iba pang mga serbisyo.

Para mas maging madali at para tumalima sa mga pagbabago sa batas, pinanghahawakan namin ang karapatang amyendahan ang Patakaran sa Paglilihim na ito ayon sa aming sariling pagpapasiya anumang oras nang walang naunang pabatid sa iyo, at sumasang-ayon kang ang patuloy mong pag-akses sa a/o paggamit ng aming App, ng aming Website, OTT, mga social media channel at/o iba pang plataporma, ang iyong patuloy na kagustuhang tunghayan ang aming media content, tumanggap ng aming mga Update, ang pakikipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng email, at/o pakikilahok sa amging mga promosyon (maging ito man ay ipinabatid sa iyo o ibinahagi online o offline, sa pamamagitan ng telepono, mga road show at iba pang mga pakulo) ay nangangahulugan ng walang-kondisyon mong pagtanggap sa aming naamyendahang Patakaran sa Paglilihim, ang petsa ng pinakabagong bersiyong pinaiiral ay ipinakikita sa petsa ng “Pinakabagong Bersiyon” na matatagpuan sa umpisa ng Patakaran sa Paglilihim. Sumasang-ayon kang bukodtangi mong responsabilidad na tumunghay sa mga pinakabagong update sa mga pag-amyenda sa pamamagitan ng madalas na pagbabalik-suri sa aming Website.

  1. Mga Uri ng Datos na Kinokolekta

    1. Kapag binibisita, inaakses, o ginagamit mo ang aming Site, Nilalaman, mga Serbisyo sa Site, App, mga social media channel, forum at/o kaugnay na mga plataporma, humiling ng anumang impormasyon, nagparehistro para sa anumang serbisyo, nag-download ng aming App, nagpatala sa isang account, nag-subscribe sa aming mga serbisyo, nagpatala sa anumang mga event, bumili ng produkto mula sa aming Website, nagpatala sa alinmang sa aming mga Update, nag-email sa amin, tinawagan kami, o nakilahok sa aming promosyon, offline o online, nangongolekta kami ng Personal na Datos at Datos na Anonymised.
    2. Ang “Personal na Datos” ay tumutukoy sa impormasyon, totoo man o hindi, na may tagatukoy ng pagkatao na maaaring gamitin nang magkakabukod o magkakabuklod kasama ng iba pang naibahagi o aksesibleng impormasyon para matukoy ang isang indibidwal, gaya ng pangalan, address, petsa ng kapanganakan, kasarian, kita, estado ng residensiya, mga detalye sa bangko, at mga detalye ng credit card.
    3. Ang "Datos na Anonymised" ay tumutukoy sa impormasyon na hindi kaugnay ng o nakakawing sa iyong Personal na Datos at hindi magagamit para kilalanin ang isang tao.
  2. Pagkolekta ng Datos na Anonymised

    1. Kapag inakses mo ang aming App, ang aming Website, at/o nag-email ka sa amin, nangongolekta kami ng Datos na Anonymised na tungkol sa iyo sa pamamagitan ng paggamit ng mga katanggap-tanggap na mga web technology kabilang ang, pero hindi limitado sa, mga "web beacon", "cookies", "clear GIF", "widget", "online evaluation", "survey", “HTML5”, “dynamic device identifier”, at web analytics na ikatlong partido gaya ng "Google analytics" (Magkakbuklod na tatawaging “Katanggap-tanggap na Teknolohiya”). Kasama sa awtomatikong pagkolektang ito ng mga di-personal na datos (nang walang limitasyon) ang pagkolekta ng iyong IP Address, ang software ng web browser na iyong ginamit, ang uri ng smart phone o tablet na iyong ginagamit, ang operating software/platform ng iyong kagamitan, ang mga pagpapatala mo sa mga Update o mga impormasyon sa pamamagitan ng aming Website o App, ang mga espesipikong pahina ng aming Website na tinunghayan mo, ang mga espesipikong kategorya o tampok sa aming App na inakses mo, ang espesipikong media content na na-download mo sa pamamagitan ng aming App, ang pagbabahagi mo sa anumang media content gamit ang App, anumang aplikasyong ikatlong partido na ginamit nang kakawing ang aming App, ang pag-download mo ng mga kaugnay na aplikasyon, ang mga ikatlong partidong website na binisita mo bago ang aming Website. Ang layunin namin sa nabanggit na pagkolekta ng impormasyon ay upang maunawaan namin ang mga preperensiya ng mga bisita at user namin upang mapaghusay pa at mapagdali ang kakayahan mong mag-akses o gumamit ng aming Website at ng aming App.
    2. Bilang bahagi ng Datos na Anonymised na kinokolekta naming, kapag inakses moa ng aming Website sa pamamagitan ng iyong kagamitang mobile o tablet, kokolektahin din namin ang impormasyong may kinalaman sa uri ng kagamitang mobile o tablet na iyong ginagamit upang maibahagi sa iyo ng aming Website at/o App ang bersiyon ng aming Website at/o App na pinakaangkop sa pag-akses sa iyong kagamitang mobile o tablet.
    3. Kung hindi ka pumapayag sa pagkolekta ng Datos na Anonymised Data, mangyaring ayusin ang setting ng iyong Kagamitan ng User (na binigyang-kahulugan sa Talata 2.4.1) upang maharangan at di-na-mapagana ang paggamit ng Katanggap-tanggao na Teknolohiya. Sa pagkakataong na pinili mong iakses ang aming Website o App nang hindi hinaharangan o di-pinagagana o pagkalas sa mga Katanggap-tanggap na teknolohiya, ang ganoong pag-akses mo ang bubuo sa pagpayag ng Katanggap-tanggap na Teknolohiya at ang aming koleksiyon ng impormasyon doon.
    4. Upang mas matulungan kang maunawaan ng mga sa pangkalahatan ay Tanggap na Teknolohiyang ginamit sa pagkolekta ng Datos na Anonymised Data na kinabibilangan ng:-
      1. Ang “IP Address” ay tumutukoy sa numerong awtomatikong itinatakda sa iyong kompiyuter, mobile phone, tablet, o iba pang smart device (magkakabuklod at magkakabukod na tatawaging “Kagamitan ng User”) kapag inaakses mo ang internet. Sa ilang pagkakataon, nanatiling magkapareho ang iyong IP address paglipat mo mula sa isang browser session patungo sa isa pa. Gayunman, kapag ginamit ang isang consumer Internet access provider, malamang na magbabago ang iyong IP Address mula sa isang sesyon patungo sa isa pa. Sinusubaybayan namin ang mga IP Address bukodtanging kakawing ng mga session cookie upang masuri ang daloy ng mga webpage sa aming Website.
      2. Ang “Cookies” ay tumutukoy sa maliliit na piraso ng datos na ipinadadala ng website sa hard drive ng iyong Kagamitan ng User o internal storage habang nakatunghay ka sa nasabing website. Ang aming Website ay gumagamit kapuwa ng mga session cookie (naglalaho ang mga ito kapag isinara moa ng iyong Internet browser) at persistent cookie (nananatili ang mga ito sa iyong kompiyuter at sa iyong kagamitang mobile hanggang sa masigasig kang gumawa ng paraan upang mabura ang mga ito) upang maihandog sa iyo ang mas personalisado at interaktibong karanasan sa aming Website. Sa pamamagitan ng pagbabago ng mga opsiyon sa iyong Internet browser at pagsasaayos ng settings sa iyong Kagamitan ng User (nakadepende sa iyong bersiyon ng operating system at sa mga katangian ng iyong kagamitan), magagawa mong tanggapin o tanggihan amg mga cookie.
      3. Ang “Klarong GIFs” ay tumutukoy sa malilinaw na elektronikong imahen na ginagamit para subaybayan ang pagbukas mo ng mga webpage sa aming Website at ang padron mo ng pag-browse sa aming mga webpage, para makagawa kami ng pagtataya kung gaano kaaya-aya ang nilalaman ng aming Website, at ang daloy ng mga webpage at mga layout na kaaya-aya para sa iyo. Ang mga Klarong GIF ay kilala rin sa tawag na “web beacon” at maaaring maisama sa aming Website, at sa pangkalahatan ay gumaganang kasama ang mga cookie upang kilalanin ang mga user at ang asal ng mga user. Gumagamit din ng mga Klarong GIF ang ilan sa aming mga email na HTML-based upang malaman namin kung ang mga email na ipinadala namin ay binuksan o pinansin na. Ang mga Klarong GIF ay nangongolekta lamang ng limitadong datos, gaya ng numero ng cookie, ang oras at petsa kung kailan naakses ang isang particular na webpage sa aming Website, at paglalarawan ng webpage sa aming Website kung saan matatagpuan ang klarong GIF. Ang mga ganoong nakolektang Datos na Anonymised ay tumutulong sa amin upang malaman kung gaano kaepektibo ang pagkakaayos ng mga webpage sa aming Website, ang moda ng aming komunikasyon at mga kampanyang pampromosyon.
      4. Ang "Web analytics na ikatlong partido” ay tumutukoy sa mga serbisyong handog ng mga service provider na ikatlong partido para sa pagtataya, pagsusuri, pagsukat at pag-uulat ng asal ng mga bumibisita sa aming website upang makagawa ng pagtataya at mapaghusay pa ang bias ng aming website. Isa sa pinakakilalang analytics service na ikatlong partido ay ang "Google Analytics".
      5. Ang “HTML5 local storage” ay tumutukoy sa mga caching service na pangunahing gumagamit ng cache manifest file, na nagpapahintulot sa pag-iingat ng iyong mga preperensiya offline na pagkaraan ay maa-update at maibabagay kapag nag-online ka na.
      6. Ang “Dynamic device identifiers” ay tumutukoy sa “identifier for advertising” (“IDFA”) at “Google Advertising ID” (“AAID”), na isang random, anonimong numerong itinatakda sa isang end-user ng Kagamitan ng User at panandalian, kaya maaaring ma-block kagaya sa isang cookie. Kapag tinutunghayan ng isang end-user ang isang aplikasyon o nag-browse sa internet, ang presensiya ng end-user ay lumilikha ng tawag para sa patalastas dahil ang site ng publisher na tinutunghayan ng end-user ay ipapasa ang IDFA o AAID sa ad server at pagkaraan, ang advertiser ay nakakapaghandog sa end-user ng patalastas na may kaugnayan sa paksang kaniyang tinutunghayan. Ang IDFA at AAID ay maaari ring gamitin upang tukuyin kung ang patalastas ay nag-download ng mga aplikasyon o bumili ng mga produktong ipinatalastas. Hindi tinutukoy ng IDFA at AAID ang end-user nang personal, nagbibigay lang ito ng datos tungkol sa mga pinag-tumpok-tumpok na tagatunghay na maaaring handugan ng mga advertiser ng mga patalastas. Maaaring tanggihan ang IDFA and AAID sa pamamagitan ng settings na nasa Kagamitan ng User ng end-user (bilang default, pinagagana ang IDFA o AAID), depende sa kung mayroon o wala ng ganoong opsiyon sa bersiyon ng iyong operating system at sa mga tampok sa iyong Kagamitan ng User.
  3. Ang Pagpayag mo sa Pagkolekta, Pag-iimbak, at Paggamit namin ng Iyong Personal na Datos

    1. Upang maihandog sa iyo ng Kompanya ang mga serbisyo at produkto, sumasang-ayon ka at pumapayag na kolektahin, gamitin, at imbakin ang iyong Personal na Datos sa mga ganitong pagkakataon:
      1. Kapag nagpatala ka para sa aming mga Update, o nag-email ka o tumawag ka sa amin para sa iyong mga katanungan, kailangan mong ibahagi sa amin ang iyong Personal na Datos upang magawa naming idagdag ka sa aming listahan ng sinusulatan, o upang bumalik at tumugon sa iyong mga tanong.
      2. Kapag nagpatala ka sa anumang mga Update, nagparehistro para sa anumang account, nag-subscribe sa aming mga serbisyo, nagpatal upang gamitin at/o i-download an gaming App, nag-upload ng anumang paskil sa aming forum, bumili ng anumang kredito para sa pag-akses ng aming media content, makilahok sa anumang pagsubok ng aming App, sumali sa anumang membership o loyalty programme, gamitin ang alinman sa aming mga plataporma, magparehistro ng isang user account, pumasok sa isang planong pansuskripsiyon, o makilahok sa mga promosyon (online at offline) na inihahandog namin (o ng aming mga kasosyo sa negosyo), kakailanganin namin ang iyong Personal na Datos upang maitala ang at maihandog sa iyo ang mga benepisyon kalakip ng iyong planong pansuskripsiyon, pagbili ng kredito, tala ng user account, user status, partisipasyon sa mga membership programme at/o mga kampanyang pampromosyon (maging online man o offline). Hangga’t hindi mo winawakasan ang iyong user account, kinakansela ang pag-akses mo sa aming App, kinakansela ang iyong mga kredito, winawakasan ang iyong planong pansuskripsiyon, umalis sa aming membership program o kampanyang pampromosyon, o kapag nagtapos ang aming kaugnay na kampanyang pampromosyon, itatago namin ang iyong Personal na Datos sa tagal ng panahong nananatili kang user ng aming App, tagahawak ng kredito, kalahok sa planong pansuskripsiyon, sa aming membership programme at/o kampanyang pampromosyon (anuman ang nahuli) upang maibigay namin sa iyo ang kaukulang benepisyo. Sa gayon, panghahawakan namin ang iyong Personal na Datos hanggang sa may katwiran kaming maniwala na interesado ka pa sa aming App (at/o anumang kaugnay na nilalaman nito), mga produkto at/o serbisyo upang mapadali ang paghahatid ng aming serbisyo o produkto kapag kakailanganin mo ng suskripsiyon sa aming mga serbisyo, o paghahatid ng alinman sa aming mga produkto o ng aming tulong.
      3. Kapag nagklik ka sa alinman sa aming mga Google ad ng Kompanya o iba pang patalastas na internet-based para sa dagdag na impormasyon tungkol sa aming App, taglay na media content, serbisyo, o Website, kinokolekta namin ang Personal na datos na iyong ibinabahagi upang makapag-follow up sa iyo kaugnay ng iyong interes sa aming App, media content, produkto, serbisyo at/o ang aming Website.
    2. Dagdag pa, panghahawakan namin ang iyong Personal na Datos hanggang sa kailangan at hanggang sa tagal ng panahong kakailanganin upang makasunod sa mga kaukulang batas at regulasyon, tumulong sa anumang legal na imbestigasyon, tugunan ang mga kahingian ng ahensiya ng regulasyon at pagpapatupad ng batas, para magamit sa mga legal na paglilitis, para mabawasan ang pandaraya, maningil ng utang, muling-pagbabayad ng utang, pag-aareglo ng mga sigalot, pagtukoy sa mga isyu, pagpapatupad ng mga paglabag sa kontrata at/o paghahabol ng mga bayad-pinsala.
  4. Paghahayag ng Personal na Datos

    1. Baka kailanganin naming ihayag ang iyong Personal na Datos sa:
      1. mga service provider na ikatlong partido upang mapagana ang pag-akses mo sa at paggamit mo ng aming Website, ng aming App, mag-download ng media content, lumahok sa aming mga promosyon, upang makipag-ugnayan sa iyo ayon sa iyong kahilingan sa pamamagitan ng aming Website, App, email o telepono, upang mamantene at ma-update namin ang iyong mga rekord upang matiyak na natatanggap mo ang tugon namin sa iyong mga tanong, upang makapag-follow up sa anumang paghahatid ng produkto o serbisyo na maaaring hiniling mo, at upang ibahagi sa iyo ang iba pang update at mga pakulong kalakip ng pagpaparehistro mo para gamitin ang App (kasama nang walang limitasyon ang mga suportang teknikal, patch, update, mga bagong labas at bersiyon), pagbili ng kredito, partisipasyon sa aming planong pansuskripsiyon, membership programme at/o mga kampanyang pampromosyon. Ang nabanggit na mga service provider na ikatlong partido ay may kontrata sa amin upang maisagawa ang mga serbisyong kailangan upang magamit mo ang aming Website, ang aming App, makatanggap ng mga Update at/o ang aming mga serbisyo o produkto na maaari na-order mo, at sa mga ganoong service provider na ikatlong partido, kung gayon, maibibilang ang, pero hindi limitado sa, mga tapangasiwa ng event, mga kompanyang nangangasiwa ng event, tagapaghandog ng solusyon sa cloud, mga payment gateway, platform maintenance provider, credit bureau, kompanyang lumulutas ng problema sa pagbabayad, mga asosasyon ng credit card, institusyong pampinansiyal, mga tagapaghandog ng serbisyong pantelekomunikasyon, mga kompanyang webhost, mga kompanyang tagapagmantene ng website, mga kompanya sa database storage, mga service provider ng membership programme, mga tindahan ng App, mga tagapagmantene ng App, mga kompanyang tumutulong sa pagsasagawa ng bultuhang pagpapadala ng liham sa ngalan naming, mga kompanyang courier at logistics, atbp.
      2. aming mga kasosyo sa negosyong ikatlong partido gaya ng mga tagapaghandog ng mga media content, mga kompanyang pantelekomunikasyon, at/o mga tagapaghandog ng solusyon sa pagbabayad upang maisakatuparan ang paggamit mo ng App, bayad para sa media content, bayad sa singil sa suskripsiyon, pag-invoice, at akses sa internet upang iyong ma-download at/o maibahagi ang media content sa pamamagitan ng aming App;
      3. aming mga tenedor de libro, mga kompanya ng accounting, kompanya ng audit, kompanya ng mga abogado at/o iba pang mga kompanyang naghahandog ng payong propesyonal na nagmamantene ng aming rekord alinsunod sa hinihingi ng batas.
      4. mga ahensiya ng gobyerno, mga samahan nagpapatupad ng regulasyon at batas na may legal na karapatang hingin ang iyong Personal na Datos.
      5. mga credit bureau, ahensiya ng credit rating at mga kompanyang humahadlang sa pandaraya para sa layuning mabawasan ang mga mapandayang mga aktibidad sa pamamagitan ng iyong Personal na Datos; at
      6. ang aming mga kaanib o kaugnay na mga kompanya at/o mga ikatlong partido na maaari naming pagbentahan, bawian ng pag-aari, paglipatan, pagtakdaan o di kaya’y makasangkot sa isang transaksiyong may kinalaman sa isang bahagi o lahat ng asset ng Kompanya (maaaring kasama rito ang iyong Personal na Datos), sa proseso ng pagbebenta ng interes sa negosyo, muling-pag-e-estruktura ng negosyo, sosyohan, adkisisyon, sanibang sikap, pagkalugi, pagpapawalang-bisa ng sosyohan, reorganisasyon, or any other similar transaction or proceeding.
      Maliban sa mga nabanggit sa itaas, hiindi namin ibinebenta, pinarerentahan, pinalilisensiyahan o di kaya’y ihinahayag ang iyong mga Personal na Datos sa mga ikatlong partiko o kaanib an mga kompanya. Maingat kami sa pagpili ng mga service provider na ikatlong partido, at ang lahat ng mga service provider na ikatlong partidong iyon at gayundin ang mga nabanggit na mga kaanib na mga kompanya ay nakatali sa obligasyong proteksiyunan ang datos (alinsunod sa mga batas sa kontrata at/o kaukulang batas) kagaya sa mga obligasyong inihayag sa Patakaran sa paglilihim na ito. Sa pangkalahatan, ang mga kinuha naming mga service provider na ikatlong partido ay mangongolekta, gagamit, at maghahayag lamang ng iyong impormasyon hanggang sa saklaw na kailangan upang maisagawa nila ang mga serbisyong inihahandog sa iyo.
  5. Paglilipat ng Personal na Datos Palabas sa Singapore

    1. Alinsunod sa mga layunin at aktibidad na nailatag sa mga seksiyon 4 at 4 sa itaas, maaaring kailanganin naming ilipat palabras ng Singapore ang iyong mga Personal na Datos. Sumasang-ayon ka rito at pumapayag sa nabanggit na paglilipat, sa pag-unawang ang mga tumatanggap ng mga ganoong Personal na Datos ay natatakdaan din ng mga kaukulang batas o kontraktuwal na obligasyon kahawig sa mga obligayong nailatag sa Personal Data Protection Act 2012.
  6. Tumpak at Kompletong Personal na Datos

    1. Upang maihandog namin sa iyo ang akses sa aming Website, sa aming App, media content, at ang lahat ng kani-kanila at kaugnay na mga funsiyon, ang aming Nilalaman, ang aming mga serbisyo at ang aming mga produkto, at upang maisagawa ang mga aktibidad na nailahad sa mga seksiyon 3, 4, at 5 sa itaas, sumusumpa kang ang mga Personal na Datos na ibinahagi mo sa amin ay tumpak, at ang lahat ng mga Personal na Datos na maaaring may kaugnayan sa partikula na layunin/pagkakataon ay naibahagi. Kung sakaling may mga pagbabago o update sa iyong Personal na Datos, nangangako kang agaran itong ipababatid sa amin sa pamamagitan ng pagsulat sa amin tungkol sa mga ganoong pagbabago, at kung mabibigo kang gawin iyon, hindi kami mananagot sa anumang khihinatnan niyon (kasama na ang, pero hindi limitado sa, di-pagkatanggap ng komunikasyong ipinadala namin at/o kawalang-kakayahan mong maakses an gaming App).
  7. Rehistro at Probisyong Do-Not-Call ("DNC")s

    1. Iginagalang namin ang iyong pagpiling may kinalaman sa mga tsanel na magagamit mo upang matanggap ang mga komunikasyong mula sa amin. Sa gayon, kung nairehistro mo ang iyong telepono at/o numero ng fax sa mga Rehistrong Do-Not-Call na may kinalaman sa mga tawag sa telepono, mensahe sa text o fax, hindi kami makikipag-ugnayan sa iyo sa mga tsanel na hindi mo pinili sa pamamagitan ng pagpaparehistro sa Rehistrong Do-Not-Call. Gayunman, kung dati ka pang pumayag sa pakikipag-ugnayan namin sa iyo sa pamamagitan ng iyong telepono, tawag o mensahe sa text, at/o numero ng facsimile, patuloy namin itong isasagawa hanggang sa bawiin mo ang pahintulot sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa aming Data Protection Officer sa info@poptv.sg.
  8. Pagbawi ng Pahintulot

    1. Sa anumang panahon ay maaari mong iurong ang iyong pagsang-ayon sa aming paggamit, pag-iingat, paghahayag, o paglilipat ng iyong Personal na Datos alinsunod sa Patakaran sa Paglilihim na ito sa pamamagitan ng pag-email sa aming Data Protection Officer sa info@poptv.sg. Gayunman, pakatandaan na ang ganoong pagbawi ng pahintulot ay maaaring humantong sa pagkawala ng aming kakayahang maihandog ang aming mga serbisyo o magampanan ang aming mga kontraktuwal na obligasyon sa iyo, kasama na ang, pero hindi limitado sa, pagputol sa iyong akses sa aming Website, App at iba pang Serbisyo sa Site, kanselasyon ng isang user account, subscription plan, biniling kredito, at sa gayon, lahat ng mga kailangang ihatid na maaari sanang naihandog sa ilalim nito, terminasyon ng anumang membership programme na maaari sanang naihandog sa iyo, pagputol sa iyong akses sa aming App at sa lahat ng media content at iba pang mga tampok doon, pagkawala ng kakayahang maihandog sa iyo ang oportunidad na lumahok sa mga promosyon, pagkawala ng kakayahang tuparin ang kahilingan para sa impormasyong maaari mong naipasa sa aming Kompanya, pagkawala ng kakayahang isakatuparan ang mga credit purchase order, at potensiyal na pagkawala ng kakayahan ng mga ikatlong partidong handugan ka ng kanilang mga serbisyo o produkto na ikinontrata mo sa kanila sa pamamagitan ng aming Website o App, nang hindi isinasaalang-alang kung nabayaran mo na ang ganoong suskripsiyon, serbisyo, o produkto. Sa gayon, ang pagbawi mo ng pahintulot ay maaaring humantong sa terminasyon ng anumang (mga) kontrata sa aming Kompanya, at gayundin ng terminasyon ng anumang kontrata sa anumang ikatlong partidong kinasundo mo sa pamamagitan ng aming Mobile App, ng aming website, o ng aming Kompanya, na tahasang pinanghahawakan ng aming Kompanya ang mga Karapatan at remedyo sa mga ito. Patuloy pa kayong gagabayan ng aming Data Protection Officer tungkol sa mga kahihinatnang legal na maaaring mangyari sakaling kinausap mo siya upang bawiin ang iyong pahintulot.
    2. Kung nanaisin mong mag-unsubscribe sa aming mga update sa email, mangyaring iklik ang opsiyong “unsubscribe” na matatagpuan sa mga email namin sa iyo. Pakatandaan lamang na maaari itong magresulta sa pagkawala ng aming kakayahang ibahagi sa iyo ang mga update sa aming mga produkto at serbisyo, ang pinakabagong mga media content, ang mga benepisyo mo sa ilalim ng aming membership programme o mga planong pansuskripsiyon, o anumang nagpapatuloy na promosyon.
    3. Kung nanaisin mong mag-unsubscribe sa alinman sa aming mga aplikasyon (kasama na ang, pero hindi limitado sa, App na PopTV), mangyaring gamitin ang opsiyong “unsubscribe” na maaaring makita sa mismong aplikasyon. Kung wala ng ganoong opsiyon, mangyaring iemail kami sa info@poptv.sg.
  9. Pag-akses at Pagwawasto ng Personal na Datos

    1. Kung nais mong maakses, i-update, o magsagawa ng mga pagwawasto sa iyong Personal na Datos na nasa amin, o kung gusto mong makatanggao ng ibayong paglilinaaw tungkol sa iyong Personal na Datos na nasa amin, mangyaring iemail ang aming Data Protection Officer sa info@poptv.sg./li>
    2. Walang ipapataw na mga singil administratibo o iba pang singil para sa mga kahilingan ng pagwawasto o pag-update ng iyong Personal na Datos. Gayunman, para sa iba pang mga kahilingan gaya ng pag-aakses ng iyong Personal na Datos na nasa amin, paghihingi ng ulat kung kailan mo naakses ang aming Website o App, ang petsa ng paghiling mo ng impormasyon, atbp., may ipapataw na makatwirang singil na administratibo depende sa kahilingan dahil may guguguling panahon at mga rekurso sa pagpapaunlak sa iyong mga kahilingan.
    3. Kung magkakaroon ka ng mga tanong o reklamong may kinalaman sa Patakaran sa Paglilihim na ito, sa aming mga Termino ng Paggamit, sa aming T&C ng App, alinpamang T&C ng Serbisyo, sa iyong Personal na Datos na nakarehistro sa amin, o may kinalaman sa paggamit, pag-iimbak, pagbubunyag ng aming Kompanya sa iyong Personal na Datos, o kung nais mo pang mas maliwanagan tungkol sa aming mga patakaran sa proteksiyon ng datos at mga hakbang panseguridad, mangyaring iemail ang aming Data Protection Officer sa info@poptv.sg.
    4. Kung ikaw ay mamamayan o residente ng European Union, mangyaring sumangguni sa seksiyon 16 “Mamamayan at mga Residente ng mga Miyembro ng European Union” sa ibaba para sa mga dagdag na impormasyon.
  10. Menor-de-edad

    1. Ang aming Website, App, mga Update, ang aming mga serbisyo at produkto ay hindi para sa mga indibidwal na maaaring ituring na menor-de-edad ayon sa mga kaukulang batas. Sa gayon, kung mas bata ka sa disiotso 18 anyos, mangyaring putulin mo na agad ang lahat ng transaksiyon na tinangka sa pamamagitan ng aming Site. Pinanghahawakan namin ang karapatan (pero hindi ang obligasyon) na humingi sa iyo sa anumang sandali ng patunay para sa aming pagsusuri upang mapatotohanang lagpas ka na ng labingwalong taong gulang. Sa pagkakataong mas mababa ang edad mo sa labingwalong taong gulang, o may makatwiran kaming hinala na mas bata ka pa sa labingwalong taong gulang at hindi mo napatunayang may sapat ka nang gulang, ayon sa aming opsiyon at sariling pagpapasiya: (i) lahat ng iyong mga transaksiyon sa pagbili, pagrerehistro ng account, planong pansuskripsiyon, pakikilahok sa promosyon, biniling mga kredito, at lahat ng iba pang pagpaparehistro sa amin (kung meron man) ay maaaring agarang ihinto nang walang pananagutan sa panig namin at walang pagsasauli ng bayad na igagawad sa iyo; o (ii) papanagutin nang buo ang iyong mga magulang (o ang iyong legal na tagapag-alaga, anuman ang nararapat) at ipataw sa iyong mga magulang (o sa iyong legal na tagapag-alaga, anuman ang nararapat) ang lahat ng transaksiyong (kasama nang walang limitasyon ang lahat ng takdang kabayaran ditto) naisagawa mo.
    2. Hindi kami malay na nangongolekta ng Personal na Datos na mula sa mga menor-de-edad, gayunman, hindi namin magagawang matukoy sa pamamagitan ng internet kung ang mga indibidwal na iyon ay menor-de-edad. Kung gayon, responsabilidad na ng mga magulang at tagapag-alaga na subaybayan at tiyaking ang kanilang mga menor-de-edad ay hindi aakses o magsasagawa ng mga transaksiyon sa aming Website, mag-download o iakses ang aming App, magparehistro ng account sa amin, mag-email sa amin, o magbahagi sa amin ng Personal na Datos nang walang pahintulot ng magulang/tagapag-alaga, at sa kabiguang gawin ito, ang magulang ang may pananagutan alinsunod sa Talata 10.1 sa itaas. Kung matutuklasan ng magulang o tagapag-alaga na ang kaniyang menor-de-edad ay nakapag-akses sa aming Website, o App, o nagbahagi sa amin ng Personal na Datos nang wala ang kaniyang pahintulot, kailangan niyang makipag-ugnayan sa aming Data Protection Officer sa info@poptve.sg sa lalong madaling panahon. Kapag natuklasan naming ang isang menor-de-edad ay nagbahagi sa amin ng Personal na Datos nang walang pahintulot ang kanilang mga magulang o tagapag-alaga, maaari naming, nang walang prehuwisyo sa aming mga karapatan sa ilalim ng Talaga 10.1 sa itaas, ayon sa aming sariling pagpapasya, burahin ang naturang impormasyon mula sa aming mga record nang walang anumang pananagutan o pagbanggit sa menor-de-edad na iyon at/o sa kaniyang magulang/tagapag-alaga.
  11. Mga Hakbang Panseguridad para sa Proteksiyon ng Personal na Datos

    1. Sinisigurado naming ang aming Website at App ay protektado ng mga makatwirang hakbang panseguridad na ipinahihintulot ng napapanahong teknolohiya, at na ang lahat ng aming mga host at server ng datos ay pare-parehong napoprotektahan ng mga ganoong hakbang panseguridad, kasama ang, pero hindi limitado sa, mga firewall.
    2. Ligtas na itinatago ang iyong Personal na Datos at protektado ito laban sa mga di-pinahihintulutang akses at paghahayag. Gumagamit kami ng mga hakbang panseguridad gaya ng (nang walang limitasyon) proteksiyon sa password, pagsasakodigo, de-kandado at may-harang na akses. May mga ipinatutupad kaming mahigpit na mga patakaran at tanging ang aming awtorisado tauhan ang makakapag-akses ayon sa batayang kailangang-malaman.
    3. Magsasagawa kami ng mga praktikal na hakbang upang masiguro na ang iyong Personal na Datos ay hindi itatago nang mas mahaba sa naitakda sa Patakaran sa Paglilihim na ito o hanggang sa panahong kailangan upang maisakatuparan ang mga layuning naging dahilan upang ipagkatiwala mo sa amin ang iyong Personal na Datos, o hanggang sa kakailanganin sa mga lehitimong layuning pangnegosyo o legal, ayon sa kung anuman ang pinamakamalapit sa kasalukuyan.
  12. Mga Site na Ikatlong Partido, at mga Site ng Social Network

    1. Ang aming Website, App, Serbisyo sa Site, Nilalaman, mga Update, mga email at iba pang mga mensaheng pampromosyon ay maaaring magtaglay ng mga hyperlink sa mga website na pinangangasiwaan ng mga ikatlong partido. Gayunman, hindi natatakdaan ng aming mga Patakaran sa Paglilihim o Termino ng Paggamit ang mga ganoong website na ikatlong partido. Hindi namin pananagutan ang patakaran sa paglilihim o ang seguridad ng datos sa mga ganoong website na ikatlong partido, kahit pa natatakan din sila ng pangalan ng aming Kompanya, o logo, o ang aming Website o App o mga mensaheng pampromosyon naglalantad ng mga produkto o serbisyong nagmumula sa mga ganoong ikatlong partido. Sa gayon, hinihikayat namin kayong aralin ang mga patakaran sa paglilihim ng mga website ng mga ikatlong partidong ito bago mo iakses o gamitin ang mga ito, at na maging maingat sa pagbabahagi ng anumang Personal na Datos sa mga ganoong website na ikatlong partido. Hinihingi namin ang iyong pag-unawa sa katotohanang hindi kami mananagot sa anumang akto o omisyon o anumang pagkalugi o pinsalang matatamo mo sa pag-akses ng mga ganoong website na ikatlong partido.
    2. Maaaring gumamit ang aming Kompanya ng mga mapagkakatiwalaang social media/network site gaya ng, pero hindi limitado sa Facebook, Twitter, Instagram, Pinterest at LinkedIn (magkakabuklod na tatawaging " mga Social Media Site") upang makapagkonekta sa iyong mga social network. Upang makalikha ng interes sa aming Website at App, idadagdag namin sa iyong mga kontak sa iyong mga social network ang aming mga produkto at serbisyo at pahihintulutan ka naming ibahagi ang iyong interes sa aming Website, App, Serbisyo sa Site, Nilalaman, listahan ng media content, at/o sa aming mga produkto at serbisyo, ibinabahagi namin ang akses sa aming Website at App sa mga ganoong Social Media Site. Ang kababanggit na kaugnayan sa mga Social Media Site ay hindi nangangahulugan ng anumang pag-endorso o rekomendasyon ng aming Kompanya sa anumang Social Media Site o vice versa. Alinsunod sa Talata 12.1 sa itaas, mangyaring balik-suriin ang mga termino ng paggamit at mga patakaran sa paglilihim ng mga Social Media Site bago mo iakses o gamitin ang ganoong Social Media Site na kakawing ng aming Website, App, Serbisyo sa Site, mga Update, Nilalaman, at alinman sa aming mga promosyon at aming mga produkto at serbisyon ibinahagi sa pamamagitan ng mga Social Media Site.
    3. Ang pagkakaugnay ng aming Website, App, mga Serbisyo sa Site, Nilalaman at mga Update sa mga Social Media Site ang nagbibigay-daan upang magkaroon ng ilang tampok na kapag ginamit mo ay maaaring humantong sa pagbabahagi ng impormasyon mula sa iyong account sa mga Social Media Site patungo sa aming Kompanya. Ang ganoong impormasyong kinokolekta namin na tungkol sa iyo ang bubuo sa impormasyong pangmadla na makikita sa mga pangkalahatang domain dahil ang ganoong impormasyon ay ipinamahagi sa madla ng mga Social Media Site. Kung nanaisin mong hindi namin kolektahin ang iyong impormasyon sa mga Social Media Site, mangyaring: (i) huwag gamitin ang mga tampok o link na nag-uugnay sa aming Website, mga Serbisyo sa Site, Nilalaman, mga Update, at/o App sa mga Social Media Site; (ii) ayusin ang setting sa iyong mga account sa mga Social Media Site upang maharangan ang pagbabahagi ng iyong impormasyon sa aming Website at mga aplikasyon (kasama ang App). Pakatandaang hindi makokontrol ng aming Kompanya at hindi pananagutan ng aming Kompanya ang pagbabahagi sa anumang paraan, ng mga Social Media Site na may mga ikatlong partido, ng iyong impormasyon.
    4. Isa sa mga tampok na maaari mong matagpuan sa aming Website, Mga Serbisyo sa Site, Nilalaman, Update at/o App na may kaugnayan sa aming mga Social Media Site, ay ang tampok na “like” ng Facebook, at iba pang katulad na funsiyong handog ng iba pang mga Social Media Site. Kapag ni-“like” moa ng aming Website, App, mga Serbisyo sa Site, Nilalaman, Update, alinman sa aming mga produkto o serbisyo, impormasyon tungkol sa amging Website, mga Serbisyo sa Site, Nilalaman, Update o App, ang mga produkto naming ay maipakikilala sa iyong network sa loob ng iyong mga account ng iyong mga Social Media Site sa pamamagitan ng iba’t ibang paraang ginagamit ng kaugnay na Social Media Site. Maipakikilala rin ang iyong impormasyon kasama ng aming mga promosyon, produkto, o serbisyong nagustuhan mo alinsunod sa mga pamamaraan/tsanel na inihahandog ng mga Social Media Site na may kaugnayan sa ganoong tampok. Kung hindi ka sang-ayon sa mga kababanggit lamang, mangyaring abisuhan ang kaugnay sa o ayusin ang settings ng iyong account sa Social Media Site. Gayunman, pakitandaang hindi kami obligadong ipakita sa aming Website o alinmang kaugnay na mga webpage (maging sa mga Social Media Site o iba pa) ang alinman sa iyong impormasyon kasama na ang, pero hindi limitado sa, iyong retrato o pangalan, kahit pa ni-“like’ mo ang aming Website, ang aming App, ang aming mga produkto o serbisyo. Sa pagkakataong lumitaw ang iyong impormasyon, pag-endorso ng produkto, o serbisyoIn the event that any of your information, product or service endorsements (kasama na ang pag-like mo sa aming Website, sa aming App, o sa alinman sa mga produkto o serbisyo ng aming Kompanya, o mga produkto o serbisyo ng ikatlong partidong tampok sa aming Website o App) sa aming Website o anumang kaugnay na mga webpage (maging sa mga Social Media Site o iba pa), magkakaroon kami ng karapatang ayon sa sarili naming pagpapasiya na tanggalin ang ganoong impormasyon o pag-endorso sa mga produkto/serbisyo sa aming Website o sa alinmang kaugnay na mga webpage.
  13. Sumasaklaw na Batas at Hurisdiksiyon

    1. Kapag may anumang sigalot na magmumula sa Patakaran sa Paglilihim na ito at ang paggamit mo ng aming Website, Serbiyong App, at/o ang aming App, kailangan mong makipag-ugnayan muna sa aming Data Protection Officer sa info@poptv.sq tungkol sa iyong sigalot, at sa abot ng iyong makakaya ay payapang aregluhin ang anumang sigalot nang taos-puso. Sa aming panig naman, sa abot ng aming makakayanan ay payapa rin naming aaregluhin ang iyong sigalot nang taos-puso. Gayunman, kung walang marating na payapang resolusyon sa loob ng 30 araw, ang lahat ng partido ay sasang-ayong pasasailalim sa eksklusibong hurisdiksiyon ng Korte ng Singapore, nang walang pagsangguni sa anumang prinsipyong salungatan-ng-mga-batas.Kung may mga tanong ka tungkol sa Patakaran sa Paglilihim na ito at sa iyong Personal na Datos, mangyaring makipag-ugnayan sa aming Data Protection Officer sa info@poptv.sg.
  14. Mga Mamamayan at Residente ng European Union

    1. Ang seksiyong 16 na ito ng Patakaran sa Paglilihim ay paiiralin lamang kung ikaw ay mamamayan ng, o naninirahan sa, alinmang kasapi sa European Union. Ang mga talata sa ilalim ng Seksiyon 16 ay karagdagang pansuhay sa mga probisyon sa itaas ng Patakaran sa Paglilihim na ito na sasaklaw pa rin sa iyo.
    2. Ang pagkolekta, paggamit, pagproseso at pag-iingat ng Personal na Datos ay ayon sa mga idinetalye sa itaas. Ang legal na basehan para sa pagproseso ng Personal na Datos ay nakasalalay sa konteksto ng kung paano nakuha ang Personal na Datos, na sa gayon ay siyang magsasabi kung anong uri ng Personal na Datos ang nakolekta. Magkagayunman, kadalasang isinasagawa lang ang pagkolekta at pagproseso ng Personal na Datos kung kinakailangan upang maihandog namin sa iyo ang aming serbisyo o produkto, at para matugunan namin ang mga kaukulang legal na pangangailangan (na nilinaw pa sa Seksiyon 2, 3, at 6 sa itaas), kung kinakailangan para sa aming lehitimong mga interes sa pangangalakal at interes na legal na napangingibabawan ng iyong mga karapatan, at/o kung sinasang-ayunan mo.
    3. Sa pagkakataong nakolekta ang iyong Personal na datos batay sa aming (o sa kaugnay na ikatlong partido) lehitimong interes, ang naturang lehitimong interes ay kadalasang para sa operasyon ng iKwento at para sa paghahandog ng aming mga serbisyo, pamamahala sa ugnayan namin sa iyo gaya ng pag-update ng lagay ng iyong membership o account, pakikipag-ugnayan sa iyo upang maihandog sa iyo ang aming Mobile App, Serbisyong Suskripsiyon, mga Programang iKwento, mga update sa aming website, serbisyo, produkto, aktibidad, okasyon, alok, at iba pang lehitimong interes sa pangangalakal gaya ng pagtugon sa iyong mga kahilingan, pagpapahusay ng aming Mobile App, website, mga produkto, at ang aming serbisyo, pag-aalok ng mga promosyon, publisidad,o mga pagpapabuti ng seguridad, pagsasawata sa krimen, at pagtuklas sa mga pandaraya. Kung magkakaroon man kami ng ibang mga lehitimong interes, kapag nararapat, ipababatid namin sa iyo nang malinaw kung ano ang mga ito, sa tamang panahon.
    4. Sa pagkakataong hinihiling sa iyo na ibigay ang iyong Personal na Datos upang pumasok sa isang kontrata sa amin (gaya ng pagrehistro ng isang account na gagamitin sa aming account), o bilang pagtalima sa isang obligasyong legal, lilinawin namin ito sa iyo sa tamang pagkakataon at sa gayon ay paliliwanagan ka kung ang pagbibigay mo ng iyong Personal na Datos ay di-mapapasubaliang kailangan, kasama na ang mga posibleng kahihinatnan kung pipiliin mo pa ring huwag ibigay ang iyong Personal na Datos sa pagkakataong iyon. Para mas linawin pa, sa pagpapatala mo para sa aming Serbisyong Suskripsiyon, kakailanganin namin ang iyong Personal na Datos para maproseso nang online ang iyong bayad, ayon sa probisyon sa itaas ng Patakaran sa Paglilinaw na ito.
    5. Ligtas na iingatan at ipoproseso ang iyong Personal na Datos hanggang nananatiling may lehitimong komersiyal na pangangailangang ingatan at iproseso iyon. Ang mga halimbawa ng lehitimong komersiyal na pangangailangan ay ang pagpapahintulot sa iyong patuloy na maakses ang aming Mobile App, para sa pagmamantene ng iyong account, paghahatid ng mga update sa aming Mobile App at iba pang serbisyo sa iyo, pag-iimbestiga at pagtatanggol laban sa potensiyal na aksiyong legal o sakdal laban sa amin, at hanggang sa hinihingi o pinahihintulutan ng kaukulang batas (kabilang na ang mga batas na hinggil sa pagbubuwis at pag-iingat ng mga rekord na pang-accounting). Kapag wala nang lehitimo o legal na pangangailangang ingatan at iproseso ang iyong Personal na Datos, ang Personal na datos mo ay buburahin at gagawing anonimo (kung posible), at kung hindi iyon maaari (gaya ng pagtatago ng Personal na Datos sa mga backup archive), sisiguraduhin namin ang kaligtasan ng iyong Personal na Datos na nakaimbak, ibubuklod ito upang wala nang anupamang dagdag na pagproseso ang maisasagawa gamit ang iyong Personal na Datos, at buburahin ang iyong Personal na Datos sa oras na maaari na itong gawin.
    6. Dahil ang aming negosyo ay nakabase sa Singapore, maililipat ang iyong Personal na Datos sa mga bansang hindi kasapi ng European Union, kasama na ang mga bansang gaya ng Singapore at Pilipinas na maaaring hindi nagtatakda ng kaparehong pananagutan sa proteksiyon ng datos gaya ng sa European Union. Gayunman, makasisiguro kang gumagawa kami ng mga angkop na hakbang upang masiguro na ang mga tumatanggap (gaya ng idinetalye sa Seksiyon 3 sa itaas) ng iyong Personal na Datos ay nakatali sa mga pananagutan ng proteksiyon, seguridad, at paglilihim na kahawig sa mga obligasyon sa ilalim ng Patakaran sa Paglilihim na ito kabilang na ang, pero hindi limitado sa paggamit ng mga artikulo sa kontrata sa aming kontrata/termino at mga kondisyon sa mga nasabing tagatanggap.
    7. Bilang mamamayan ng, o naninirahan sa, alinmang kasapi ng European Union, maaari kang magtamasa ng mga sumusunod mong mga karapatan sa proteksiyon ng datos sa anumang panahon sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa amin gamit ang mga detalyeng ibinahagi sa Talata 16.8-
      1. May karapatan kang humiling ng akses sa, ng pagwawasto sa, pag-update o pagbura sa iyong Personal na Datos na iniingatan namin;
      2. May karapatan kang tutulan ang pagproseso sa iyong Personal na Datos batay sa aming mga lehitimong interes, at ang hiwalay na karapatang tumutol sa mga direktang aktibidad at pakikipag-ugnayan sa pangangalakal na mula sa amin;
      3. May karapatan kang hilingin na sa ilang pagkakataon ay ipagbawal ang pagproseso ng iyong Personal na Datos;
      4. May karapatan kang hilinging ilagay sa elektonikong format ang iyong Personal na Datos upang madali itong matatangay o mabubuksan;
      5. Sa lahat ng pagkakataon ay may karapatan kang hindi lumahok sa mga komunikasyon sa pangangalakal. Mangyaring kapag di ka sasali ay pindutin ang hyperlink na “opt out” o “unsubscribe” isa mga e-mail sa pangangalakal na maaaring matanggap mo. Upang hindi makasali sa iba pang anyo ng marketing (gaya ng mga liham sa pamamagitan ng mga post, mga SMS, Whatsapp, o telemarketing) mangyaring abisuhan kami sa pamamagitan ng paggamit ng mga detalye sa pakikipag-ugnayang inihayag sa Talata 16.8;
      6. May karapatan kang bawiin anumang sandali ang iyong pahintulot sa pagkolekta at pagproseso ng iyong Personal na Datos. Gayunman, maaaring may mga konsekuwensiyang (gaya ng pagkawala ng kakayahan mong makatanggap ng aming mga serbisyong binayaran mo o ng mga update sa Mobile App) resulta ng pagbawing iyon na ipababatid namin sa iyo sa tamang pagkakataon. Para mawala ang anumang duda, hindi mangangahulugan ang pagbawi mo ng pahintulot na labag sa batas ang pagproprosesong nauna na naming naisagawa, at hindi rin makasasagabal ang pagbawi mo ng pahintulot sa pagproseso ng Personal na Datos na nakabatay sa mga saligang-batas sa pagpoproseso maliban sa pahintulot.
      7. Sa lahat ng panahon ay maaari kang maghain ng reklamo sa awtoridad sa regulasyon ng pagprotekta sa datos tungkol sa pagkolekta at paggamit namin ng iyong Personal na Datos. Maaaring makipag-ugnayan sa mga awtoridad sa regulasyon ng pagprotekta sa datos para sa dagdag na detalye tungkol sa paghahain ng ganoong mga reklamo.
      8. Tutugon kami sa lahat ng mga kahilingang matatanggap naming may kinalaman sa pagganap sa karapatan ng isang indibidwal sa proteksiyon sa datos ayon sa mga kaukulang batas sa proteksiyon ng datos.
      9. Sa pagkakataong naging malay ka sa mga pagbabago o kamalian sa iyong Personal na Datos, mangyaring ipaalam ito kaagad sa amin upang ma-update at maayos namin ang aming mga rekord.
    8. 14.8 Kung may mga tanong ka o alalahanin o kahilingang may kinalaman sa legal na basehan na siyang sinusunod namin kapag nangongolekta, gumagamit, at nagpoproseso kami ng iyong Personal na Datos, sa Personal na Datos mong iniingatan namin, sa Patakaran sa Paglilihim na ito, o iba pang bagay na may kinalaman sa paglilihim na kaugnay ng aming Kompanya at mga serbisyo, mangyaring padalhan ng email ang aming Data Protection Officer sa info@poptv.sg.